4 drug suspects nabitag sa Valenzuela drug bust
- Published on January 24, 2024
- by @peoplesbalita
APAT na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng nagba-buy and sell na si alyas “Ron”, 55, kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa kanya sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon s suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas “Isabel”, 42, cashier, residente ng Brgy. Arkong Bato dakong alas-12:45 ng madaling araw sa B Espiriru St., Brgy. Mabolo.
Ani PSSg Carlos Erasquin Jr., nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P20,400, marked money, P300 recovered money at coin purse.
Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Balanti St., Brgy. Ugong dakong alas-12:35 ng madaling araw sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sina alyas “Jovienal”, 36, at alyas “Ernesto”., 48, tricycle driver ng San Jose St.,Pangil, Laguna City.
Ayon kay Cpt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, P500 marked money, P500 recovered money at coin purse.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakasakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Nag-ambag na ng P800 million ang pribadong sector pambili ng COVID-19 vaccines
Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Lance Gokongwei ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department […]
-
Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO
ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel. Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na […]
-
Ads June 26, 2024