• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 hrs/day teaching time, hirit ng mga guro

UMAAPELA  ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers at gawin itong apat na oras na lamang kada araw.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na pagtuturo ng mga public school teachers ng anim na oras kada araw.

 

 

Ayon kay Bernardo, may ilang guro ang kinakaila­ngan pang tapusin ang ibang trabaho at lumalampas ng anim na oras kada araw.

 

 

Umapela rin si Bernardo sa DepEd na bigyan ng sapat na panahon ang mga public school teachers upang makapaghanda ng kanilang aralin, i-check ang mga outputs, mag-compute ng grado ng mga estudyante at i-monitor ang progreso ng kanilang mga mag-aaral upang makapaghatid ng de kalidad na edukasyon.

 

 

“It is equivalent to 6 to 9 classes handled daily for 40 minutes to one hour class time, depending on the subject taught. Dapat i-konsidera rin na ang mga klaseng ito ay bumibilang mula 45 hanggang 60 estudyante o higit pa,” ani Bernardo.

Other News
  • Sangalang gamay ang Clark

    PARANG tahanan na ni Ian Paul Sangalang ng Magnolia Hotshots ang Clark Freeport and Special Economic Zone bubble.   At mistulang homecourt na rin ng Pambansang manok big man ang Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.   Isinilang sa kalapit na Lubao ang28-year-old, 6-foot-7 center/ forward, masaya lang na nakakalaro […]

  • Philracom Awards: ‘Union Bell’ pararangalan

    ANG mala-birhen o malinis na kartada sa nagdaang 2019 racing season, pararangalan si champion horse Union Bell at owner nitong Bell Racing Stable sa isasagawang 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards ngayong Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Iniluklok ang undisputed 2YO champion bilang 2019 Stakes Races Horse […]

  • Malakanyang, matabang sa ideya na magtambal sina PDu30 at VP Leni Robredo sa vaccine infomercial

    MATABANG ang Malakanyang sa ideya na magtambal sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Vice-President Leni Robredo para sa isang vaccine infomercial.   Nanawagan kasi si Senator Joel Villanueva sa pagtatambal nina Pangulong Duterte at VP Leni para sa isang infomercial na manghihikayat sa publiko upang magpabakuna kontra COVID-19.   Ayon kay Villanueva, tila magiging mabisa […]