• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 LANG NA DAYUHAN INISYUHAN NG EXECUTIVE CLEMENCY

APAT lamang ang dayuhan sa may 139 pinagkalooban ng executive clemencies ni Pangulong Rodrugo Duterte sa panahon ng kanyang termino.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Jutice Secretary Menardo Guevarra matapos na batikusin ,ang ginawa niyang pagbibigay ng pardon sa Amerikang sundalo na si Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

 

Ayon kay Gievarra ang 135 pinagkalooban ng conditional absolute pardon ay pawang mga filipino at dalaea sa apat na dayuhan ay swap deal pa.

 

“This is a lot more than than the total number of pardons given during the previous administration,” ayon kay Guevarra.

 

Nabatid na may 90 o 91 inmate na may aplikasyon para sa maagang paglaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) na prinosedo noong nakalipas na Setyembre,2019 hanggang ngayon buwan pero pansamantalang sinuspinde matapos na mabulgar na may mga heinous crime convicta ang naoasama sa scheme.

 

“For those not affected by these issues, the processing ought to have continued and I presume na simple lang ang kaso and wala namang connection sa mga complication that have pointed out, patuloy ang pagga-grant ng GCTA,” ani Guevarra.

 

Sumusunod umano ang DOJ sa kautusan ni Duterte na madaliin ang paroles sa mga matatanda ng preso para lumuwag ang mga kulungan sa panahon ng COVID19 pandemics. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mas matinding sitwasyon ang kakaharapin ng Phl kung ‘di ipatupad ang ECQ sa NCR – Concepcion

    Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.     Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto […]

  • 10th LBC Ronda: Pangarap ni Tugawin sa Team Tarlac

    PANGARAP ni Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon na makilala sa larangan ng cycling kaya nais niyang makatulong sa Team Tarlac, bukod pa sa manalo ng stage upang mapansin at maipakita na may husay ito sa piniling sport.   Naisakatuparan ng 30-anyos na siklista ang misyon 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 nang makipagsabayan sa mga […]

  • Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik

    MULING  inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.   Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe.   Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]