4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel Salvador Panelo, Public Works Secretary Mark Villar at anti-corruption commission chairperson Greco Belgica.
“Si Secretary Panelo po, tuloy po ang pagtakbo nya, Secretary Villar, then si Greco po, Greco will run, Secretary Roque will also run,” ayon kay Cusi.
Ang iba pang Cabinet members sa Cusi-led PDP-Laban faction’s initial senatorial slate ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Magkagayon man, sinabi ni Cusi na sina Bello at Tugade ay magdedesisyon ngayong araw kung tatakbo sila o hindi sa pagka-senador matapos na ianunsyo ni Pangulon Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa politika noong nakaraang linggo.
“We had a long meeting with the President when the President decided not to run. Of course, emotions were running. Talagang ginusto na ng pangulo na umayaw na,” ayon kay Cusi.
“Nalaman din ni Secretary Tugade and Secretary Bello ito and they’re now assessing whether they are also going to withdraw, not file their candidacy dahil gusto nila kung tatakbo sila, kasama nila si Pangulo. Paguusapan po namin ngayon,” dagdag na pahayag nito.
Ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay hanggang Oktubre 8.
Wala naman sa mga nasabing Cabinet members ang nakapaghain na ng kanilang COCs.
Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na walang “leadership vacuum” sa oras na bakantehin na ng mga Cabinet members ang kanilang posisyon bilang paghahanda sa pagtakbo sa Eleksyon 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
panawagan ng Malakanyang sa MILF, bigyan ng pagkakataon ang bagong liderato ng BARMM
NANAWAGAN ang Malakanyang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bigyan ng pagkakataon ang bagong liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng Interim Chief Minister Abdulraof Macacua. ”Sinabi naman po ‘nung mga tao na umatend po doon sa MILF Consultative Assembly na mayroon pong prerogative ang Pangulo na mag-appoint po […]
-
Pacquiao nasa PH na kasunod ng laban vs Ugas; naka-quarantine na sa isang hotel sa Pasay
Dumiretso sa Conrad hotel sa Pasay City na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang 10-day quarantine matapos na dumating na sa bansa kaninang madaling araw. Alas-3:23 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Los Anges ang PAL 103 lulan sina Pacquiao, na kakagaling lamang sa laban […]
-
ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR
DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR. Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang […]