• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse

INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite.

 

Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company at kapwa stay-in sa Gold Key Construction Management Inc Warehouse sa Brgy. Toclong, Kawit, Cavite dahil sa reklamo nina Rolando Averilla, 30, may live in partner ng 106 Brgy Toclong, Kawit, Cavite; Jaime Valenzuela, 43, driver ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite; Ian Clark Madlangbayan, 23, helper ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite at Ronald Grino, 37, driver ng Brgy Carsadang Bago, Imus Cavite.

 

Sa reklamo ng mga empleyado kay PSSg Ernesto Dasalla Jr ng Kawit Municipal Police Station, pinilit umano sila ng mga suspek na mag-overtime sa kanilang trabaho simula noong Biyernes ng hapon sa loob ng Dan Chang Company Warehouse sa loob ng Golden Key Construction Management Incorporated sa Brgy Toclong, Kawit, Cavite at wala na silang nagawa dahil hindi na umano sila pinalabas sa kumpanya.

 

Ayon pa sa mga nagreklamong empleyado, natatakot din umano silang sumuway sa utos dahil baka tanggalin sila sa kanilang tarabho.

 

“Wala naman daw problema kung mag-overtime ang mga empleyedo kaya lang hindi naman daw sila binabayaran ng kanilang overtime pay’ ayon kay Dasalla.

 

Pero nitong Martes, February 18, tumawag si Averilla sa kanyang live- in partner na si Ma. Angela Burgos dahil hindi pa rin umano sila pinapalabas kaya humingi na ng tulog sa pulisya ang huli dahilan upang magsagawa ng operasyon ng Kawit police at nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang Chines national at pagkakasagip sa mga empleyado nito.
Pero paliwanag ni Dasalla na nasa loob lamang sila ng warehouse subalit pinagbawalang lumabas at nakakakain naman umano ang mga empleyado sa kanilang kantina. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya

    SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita. Pero tiyak na maaaliw ang mga […]

  • Nakatutuwa ang mga description ni Yasmien: ALDEN, magulo na makulit at sobrang madaldal naman na si BEA

    NAKATUTUWA ang mga description ni Yasmien Kurdi kina Alden Richards at Bea Alonzo na mga katrabaho niya sa ‘Start-Up PH.’   “Magulo, hindi niyo alam na magulo siya sa set,” unang sinabi ni Yasmien tungkol kay Alden.   “Makulit. Kung ano yung pino-portray niya… nagulat ako na hindi pala siya ganun.   “Makulit si Alden. […]

  • Ilang nagpasiklab sa Batang Pinoy pinarangalan ng Milo

    KINOPO ng City of Baguio ang three-peat overall championship sa katatapos na 13th Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2022 National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur.     Sumungkit ng 100 medalya ang Summer Capital, pumangalawa ang Pasig City sa 48 golds at pumangatlo ang Quezon City n 46-ginto .       Bumahagi sa 6-day […]