• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon. 
Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una.
In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak.
Inimbitahan daw ng ina ni Elisse ang lahat ng mga malalapit na kaibigan ng birthday celebrant na halos dumating naman lahat.
Dumating sina Alexa Ilacad, Michelle Vito at marami pang mga close friends ni Elisse pero no where to be found ang ama ng anak nilang si Felipe na si McCoy De Leon.
Ayon pa sa nakuha naming tsika ay may galit daw ang ina ni Elisse kay McCoy kung kaya hindi napasama ang aktor sa mga inimbitahan.
***
ANG Kapamilyang sexy aktres na si Ivana Alawi ang tampok sa latest blog ng kapuso aktres Bea Alonzo.
Sa kanyang A to Z challenge ay deretsahang inamin ni Ivana kay Bea na napaka-wild daw niya kapag lasing na lasing sa alak.
Pero wild daw naman si Ivana in the sense na umuwi raw naman agad siya sa bahay at iniiwasan na raw na pumunta pa sa kung saan saan.
Basta sa ngayon ay in love si Ivana sa isang non-showbiz guy na ang hula ng karamihan ay siya raw ngayon ang karelasyon ng isang mayamang pulitiko na hiwalay sa asawa.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig

    BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida.     May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga […]

  • Galit na galit dahil sa pang-iiwan daw kay Enrique: LlZA, winarningan ang netizen na nag-wish na may masamang mangyari sa kanilang pamilya

    HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang isang basher na kung saan nagwi-wish na may mangyaring masama sa kanya, pati na sa kanyang kapatid at ama.       Nagbabala si Liza sa netizen na dapat ay maging careful ito sa sinasabi sa ibang tao.       Sumagot nga si Liza sa isang fake account […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 12) Story by Geraldine Monzon

    DAHIL sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Angela ay nagka-idea si Roden na posibleng ito ang maging daan para matutuhan siyang mahalin ni Angela. Kung magkakaanak sila ay magiging isang pamilya na sila at makakalimutan na ng babae ang kanyang nakaraan. Kaya nang gabi ring iyon ay gusto na ni Roden na umpisahan ang […]