• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.

 

 

Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng statements.

 

 

Kabilang sa apat ang Plan of Action sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia mula 2022 hanggang 2027; Memorandum of Understanding kaugnay sa kooperasyong pang­kultura; Agreement on Cooperative Activities sa larangan ng depensa ay seguridad sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia; at pang-apat ang Memorandum of Understanding for Cooperation in the Development and Promotion of Crea­tive Economy.

 

 

Sa kanyang paha­yag, pinasalamatan ni Marcos ang Indonesia para sa mga tulong at kanilang pakikilahok sa mga programang pang-imprastraktura noong panahon ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

 

 

Samantala, inilarawan nina Marcos at Widodo ang papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang “lead agent” sa pagdadala ng kapayapaan sa gitna ng mga nangyaya­ring pandaigdigang isyu.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na ang papel ng “regional bloc” ay mahalaga sa seguridad sa rehiyon at sa pagtatamo ng kapa­yapaan.

 

 

Sinabi naman ni Widodo na nais ng Indonesia na tiyakin na ang ASEAN ay mananatiling daan ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon. Dapat din aniya na ka­yang harapin ng ASEAN ang mga hamon sa hinaharap at palakasin ang paggalang sa ASEAN Charter.

 

 

Binigyang-diin ni Widodo ang kahalagahan ng pagpapatupad ng ASEAN Outlook sa Indo-Pacific sa pamamagitan ng kongkreto at inklusibong kooperasyon upang palakasin ang sentro ng ASEAN.

 

 

Idinagdag ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Jakarta ay “simula lamang” ng maraming mahahalagang partnership na nakatakdang isasagawa ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • SLP tutuklas ng bagong talento sa Pilipinas

    HAHANAP ang Swim League Philippines (SLP) ng mga bagitong tankers sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pagdaraos nito ng 2022 Finis Short Course Swim Competition Series.     Unang aarangkada ang Luzon Leg na idaraos sa Marso 26 hanggang 27 sa New Clark City Swimming Pool sa Capas, Tarlac upang mabigyan ng tsansa ang […]

  • Casimero, naka-TKO win sa kaniyang muling pagbabalik sa boxing

    NAKA-SCORE ng knockout victory si John Riel Casimero laban kay Saul Sanchez sa unang round pa lamang sa laban nito sa Japan nitong Linggo.     Bago pa man ang kaniyang panalo ay humarap muna sa mga problema ang boksingero pagdating nito sa kaniyang timbang.     Dalawang beses kasing sumobra sa limit ang timbang […]

  • DOTr suspends Grab PH-Move-It app merger

    The Department of Transportation (DOTr) issues a suspension order on the app merger by Grab Philippine and Move It for the ongoing motorcycle taxi pilot run.     Mark Steven Pastor, DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure, reported to the members of the Senate Committee on Finance that they have ordered the two […]