4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga
- Published on May 4, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 sa Palon St., Brgy. 70 nang mapansin nila ang dalawang lalaki na kapwa walang suot na damit habang gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay tumakbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang maaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet na nagalaman ng aabot 2.55 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P17,340.
Sa Brgy. 12, nakuhanan naman ng nasa 5.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,360.00 ang dalawa ring lalaki matapos tangkain takasan ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4 nang lapitan nila para isyuhan ng OVR dahil sa paglabag din sa city ordinance makaraang matiyempuhan nila na kapwa rin walang suot na damit habang naglalakad sa Bangayngay Street, alas-12:20 ng madaling araw.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton
TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, […]
-
Ads August 8, 2024
-
MECQ ‘dapat i-extend pa ng hanggang 2 linggo’ sa NCR Plus, sabi ng DOH
Kung ang Department of Health (DOH) ang tatanungin, dapat pang ipalawig ang ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon ng NCR Plus dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas. Sakop ng NCR Plus — na nasa MECQ sa ngayon — ang National Capital Region, Rizal, Cavite, […]