• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton

TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.

 

Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, bagong halal ding treasurer ng Philippine Olympic Committee (PIC).

 

Ayon sa opisyal na pinatunayan na ng 20-anyos, may taas na 4-11 at tubong Maynila ang de-kalibe niyang karakas o isang astig na atleta nang makamedalyang ginto sa men’s floor exercise ng  49th World Artistics Gymnastics Championships 2019 sa Stuttgart, Germany.

 

“Caloy (Yulo) is really training hard for the Olympics and we are hoping that he could finally end our hunger for the first Olympic gold medal,” sambit ng opisyal sa kanyang manlalaro, na nagwagi ng dalawang gold at limang  silver medal sa Philippines 30th Southeast Asian Games 2019.

Mahigit isang taon na ring si Yulo na nagti-training camp sa lugar na pagdarausan ng 2021 quadrennial sportsfest sa Tokyo sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at pribadong sektor.

 

Wala pang nakakamit na gold ang ‘Pinas sa Olympics – mapa-Summer o Winter man sapul noong 1924 sa Paris, France. (REC)

Other News
  • Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan

    MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017.   Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams.   Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big […]

  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]

  • Final 12 ng Gilas Pilipinas players iaanunsiyo ngayong araw ng SBP bago ang biyahe nila sa Lebanon

    NAKATAKDANG  bumiyahe na ngayong araw ang Gilas Pilipinas patungong Beirut, Lebanon para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.     Makakaharap kasi nila ang Lebanon sa Agosto 25 habang babalik sila sa bansa 29 para makaharap ang Saudi Arabia.     Sa ginawang ensayo ng national basketball team nitong Linggo […]