4 na malalaking kumpanya interesado sa NAIA rehab
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na may apat (4) na kumpanya ang interesado sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“So far, there was the Manila International Airport Consortium, that’s number one. There was San Miguel Corporation which also purchased bidding documents, and GMR. The fourth one, I have to confirm which one,” wika ni DOTr assistant secretary Leonel De Velez.
Kamakailan lamang ay ang Manila International Airport Consortium na binubuo ng anim (6) na conglomerates sa Pilipinas at ang US-based partner nito ay nagsumite ng isang unsolicitated proposal upang sila ang mag rehabilitate ng NAIA sa loob ng 25-year na kontrata.
Subalit ang pamahalaan ay gustong magkaron ng solicitated deal sa concession na may period na 15 years at may posibleng 10-year extension based sa performance. Binuksan ng Public-Private Partnership Center and bidding noon August 23.
Ayon kay De Velez na plano nilang i-award ang P170.6 billion na kontrata sa taong ito upang maayos na sa lalong madaling panahon ang NAIA na siyang pangunahing gateway sa bansa.
Ang proyekto ay binubuo ng rehabilitation ng lahat ng pasilidad sa NAIA kasama ang apat na terminals at ang ibang pasilidad dito. Naglalayon ang rehabilitation na maitaas ang annual na kapasiad ng airport hanggang 62 million na pasahero mula sa ngayon na 35 million kung saan ito ay magkakaron ng traffic movement na 48 per hour mula sa dating 40.
Kilala ang NAIA na isa sa pinakamasamang airports sa mundo kung saan laging may passenger congestion at kamakailan lamang ay nagkaron ng 3 major power outgaes nitong taon.
Sinabi ni De Velez na ang rehabilitation ng NAIA at iba pang international airports sa Pilipinas ay mahalaga sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.
“One of our key drivers of the economy is tourism. We can’t just develop our tourism sector in a bubble. We have to consider that there are competing countries: Malaysia, Thailand and Vietnam. These countries are investing in their airport infrastructure. We need to as well to remain competitive,” saad ni De Velez. LASACMAR
-
Disney+ Celebrates ‘Black Widow’ Release With Solo MCU Movie Posters
IN honor of Scarlett Johansson’s lengthy tenure with Marvel Studios and in celebration of the release of Black Widow—the first MCU movie in over two years—Disney+ (via Reddit user Samoht99) has changed the main posters for seven key films in the universe. Every film in which Natasha Romanoff appears now displays a solo poster of […]
-
Rondina, Gonzaga kampeon sa World Tour
NASUNGKIT nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang gintong medalya sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures na ginanap sa Subic Bay Sand Court sa Subic. Naisakatuparan ito nina Rondina at Gonzaga matapos pataubin sina Gen Eslapor at Dij Rodriguez sa bendisyon ng 22-24, 21-12, 15-12 come-from-behind win sa all-Filipino championship match. […]
-
Ravena, San-En taob uli
Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53, sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo. Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses […]