4 NAGPOSITIBO SA 3 ARAW NA DRIVE THRU SWABBING SA QUIRINO GRANDSTAND
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
APAT ang naitalang nagpositibo sa Covid-19 sa inilunsad na Drive thru swab testing ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand.
Ito ay sa loob lamang ng tatlong araw, batay na rin sa datos ng Manila Health Department (MHD).
Sa kabuuan , nasa 242 katao na ang sumailalim sa libreng swab test sa Quirino Grandstand mula Enero 18 hanggang Enero 20, 2021.
Sa nasabing bilang, 238 ang negatibo ang resulta habang ang apat ay positibo sa sakit.
Sa apat na ito, non-Manilans ang tatlo habang taga Maynila naman ang isa.
Ayon kay Manila Public Information Office Chief Julius Leonen, nakikipag-ugnayan na ang MHD sa LGUs ng origin ng mga non-Manilans na nagpositibo sa virus upang sila naman ay madala sa quarantine facility.
Bukod sa drive thru sa Quirino Grandstand, may libreng “walk-in” swab testing din ang lokal na pamahalaan para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital at Delpan Quarantine facility.
Kailangan lamang makipag-ugnagan sa Manila Emergency Operation Center ang indibidwal na nais sumalang sa swab test para makapag-schedule ng appointment.
Maaaring kumontak sa mga numerong 09052423327; 09983226367; 09636023177; at 09555875976 upang makakuha ng inyong schedule ng swab test.
Samantala, sa pinakahuling datos ng MHD, umabot na 393 ang naitalang aktibong kaso sa lungsod ng Maynila.
Pumalo naman sa kabuuang 25,911 ang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 24,742 naman ang tuluyang gumaling sa nasabing sakit. (GENE ADSUARA)
-
KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens
ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021. Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending. Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo […]
-
Duterte tatakbong VP sa 2022 elections
Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022. Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, executive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido […]
-
VP Sara sinabing ‘never again’ makikipag-tandem kay PBBM, sinabing ‘di sila magkaibigan
INIHAYAG ni Vice President Sara DIRETSONG Duterte na “never again” na makipag-tandem siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Pahayag ito ng pangalawang Pangulo matapos matanong kung may tiyansa pa na magka tandem sila ng Punong Ehekutibo. Hindi naman pinaliwanang ni VP Sara kung bakit nasabi niya na “never again” na maka sama uli […]