4 nalambat sa buy bust sa Malabon
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
Kulong ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang 18-anyos na bebot matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naaresrong mga suspek na si Harold Arroyo, alyas “Akyat”, 47, Usha Tobias, 18, kapwa ng NHC Road Tala, Caloocan City, Sherwin Operario, 25 ng Brgy. Longos, at Niño Cacnio, 44 ng Brgy. Acacia.
Ayon kay Col. Villanueva, dakong 12:05 ng madaling araw nang masagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Amadeo Tayag ng buy bust operation sa Maria Clara St. Brgy. Acacia.
Nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 12.77 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P86,836.00 ang halaga at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pagbawi sa Overseas Deployment Ban, malabo-Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare workers sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo na ang pagbabawal sa mga doktor, […]
-
Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021. […]
-
Pole vault sensation EJ Obiena mainit na tinanggap ng UST para sa kanyang homecoming
GINANAP ang pagtanggap sa world’s number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at mga estudyante para sa kanyang homecoming. Bandang alas-10:05 ng umaga nang makarating si Obiena sa unibersidad kasama ang kanyang girlfriend na […]