4 nasakote sa buy bust sa Valenzuela at Caloocan
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
Timbog ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities, kahapon ng madaling araw.
Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 75 Tamaraw Hills Marulas, Valenzuela City.
Kaagad inaresto ng mga operatiba si Jasper Gonzales, 33, at Kaye Tagle, 34, matapos umanong bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P74,800.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at isang P1,000 boodle money, P300 recoverd money at isang cellphone.
Sa Caloocan, nakatanggap ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng impormasyon mula sa kanilang confidential informant na ang illegal na droga ay laganap umano sa G. De Jesus St. Brgy. 139, Bagong Barrio.
Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Randy Paculdar, 42, driver, at Raymond Peralta, 39, bandang alas-10:30 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 19 piraso ng P1,000 boodle/money at isang cellphone. (Richard Mesa)
-
Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na
Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip. Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang […]
-
Isiniwalat na nakabili na ng apartment sa Paris: HEART, napansin at pinuri ni VICTORIA BECKHAM sa suot na OOTD
SA tuwing rarampa ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista, imposible talaga na hindi siya mapapansin, lalo sa mga designers clothes, bags and shoes na sinusuot niya. And lately lang, nakuha ni Heart ang atensyon ng international star na si Victoria Beckham dahil sa kanyang latest OOTD sa Paris Fashion […]
-
Pinas, naghahanda ng tax measures para bayaran ang COVID-19 response
NAGHAHANDA na ang Department of Finance (DOF) ng fiscal consolidation proposal nito para sa gagawing pagpapataas sa singil sa buwis para pambayad sa tumataas na utang ng Pilipinas. Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), na kasama sa kanyang panukala ang measures o mga hakbang […]