• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2021

‘JL Snyder Cut’ Posters Spotlight on the ‘King of Atlantis’ and the ‘Fastest Man Alive’

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

FEW days ago a new posters have been revealed for Aquaman and the Flash in Zack Snyder’s Justice League.

 

 

The long-awaited Snyder cut of Justice League is finally arriving on HBO Max on March 18, 2021. With the marketing in full swing, the spotlight is being shined on the King of Atlantis and the Fastest Man Alive.

 

 

There have already been posters for Batman, Superman and recently released Wonder Wonder, which feature the black and white motif that ties into Snyder’s intention to release a cut of the film in black in white, titled the ”Justice is Grey” edition.

 

 

The marketing for the Snyder Cut has teased a more bleak downbeat film compared to the 2017 theatrical cut, one that keeps the tone with what Snyder had set up previously with Man of Steel and Batman V Superman: Dawn of Justice.

 

 

Zack Snyder has revealed few days ago on Twitter the posters for Aquaman and The Flash for the upcoming Snyder Cut release with the hero’s signature logo in the background.

 

 

They also feature Aquaman and The Flash in their original DCEU costumes for what might be the last time, as Aquaman received a new costume in his solo film  and The Flash will probably do the same in his solo outing that will release on November 4, 2022, after that Aquaman 2 will release date on December 16, 2022.

 

 

Snyder’s casting of Jason Momoa and Ezra Miller in 2014 cemented long-term plans that Warner Bros. and DC had for these characters, with both set to get their own solo films and more team-up films.   Snyder had even cast major supporting players that would be carried over into future Aquaman and The Flash films like Amber Heard as Mera and Kiersey Clemons as Iris West.

 

 

Since being cast, both Aquaman and The Flash have gone off on different paths from not just each other but also how Snyder originally envisioned them.

 

 

Aquaman went for a brighter aesthetic and swapped out the character’s muted armor for the colorful orange and green costume. Aquaman’s solo film become the highest-grossing film based on a DC Comics character with $1 billion worldwide gross.

 

 

The Flash has been delayed several times with many different directors dropping out before finally landing Andy Muschietti. The story has since changed to become a massive multiverse crossover that will include Michael Keaton returning as Batman and the introduction of a new Supergirl.

 

 

Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.

 

 

To watch Snyder Cut, download HBO GO at the App Store or Play Store on your device. You can also access HBO GO via Cignal or at https://www.hbogoasia.com/HBO GO can be accessed via Android TV, Apple TV, LG TV and Samsung Smart TV – and comes with AirPlay and Google Cast functionality.

 

 

Source: Screen Rant (ROHN ROMULO)

Pagtatalaga ni PDu30 sa mga dating military officials sa cabinet posts, walang masama-Sec. Roque

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts.

 

Kung tutuusin ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay naipapakita ng mga ex-military officials ang kanilang disiplina sa gabinete.

 

“Wala namang masama roon. Tignan mo naman si General Galvez, iyong discipline niya as a military official, nagagamit nita sa procurement ng COVID-19 vaccines.  I don’t think he (President Duterte) made a mistake,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tinukoy ni Sec. Roque si vaccine czar Carlito Galvez Jr., dating military chief na itinalaga bilang vaccine czar ni Pangulong Duterte.

 

Bukod dito, ang mga dating military officials ay maaasahan.

 

“I see how they work, at iba iyong disiplina and diligence hanggang magawa nila ang order ni Presidente, and that matters in public administration,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Itinanggi naman nito na sa pagkuha ng mga dating military officials ay nako-kompromiso ang kalidad ng pagse-serbisyo at naiiwan sa ahensiya sa ilalim ng liderato ng taong walang kasanayan.

 

“Hindi po. In a matter of expertise, doktor ang Secretary of Health, ekonomista ang nasa NEDA, malawak ang karanasan sa private sector ng DTI Secretary, at hindi sundalo ang DFA Secretary,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“But when it comes to efficiency in government, tiwala siya sa mga dating militar in implementing his orders,” dagag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala, maliban kay Galvez, ang iba pang retired military officials na naglilingkod at kabailang sa gabinete ng Pangulo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana,  Environment Secretary Roy Cimatu, Housing Secretary Eduardo del Rosario, Director General Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority, Customs Bureau chief Rey Guerrero at Secretary Rolando Bautista ng Department of Social Welfare and Development. (Daris Jose)

Granular lockdown sa Navotas, ipinatupad

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas city matapos tumaas ang bilang ng mga nagposito sa Covid-19 sa naturang mga lugar.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ni-lockdown ang Navotas City Hall-February 23-March 9, 2021, Gov. Pascual Sipac Almacen mula  February 24 – March 10, 2021, Sioson St., Bangkulasi – February 26 -March 12, 2021, Interior H. Monroy St., Navotas West – February 26 – March 12, 2021, Little Samar St., San Jose – March 1 – March 14, 2021, Daisy St., NBBS Proper – March 2 – March 15, 2021, Pat Cabrera St., San Roque – March 3 – March 16, 2021, Blk 37 NBBS Dagat Dagatan – March 4 – March 17, 2021, Estrella St., Navotas West – March 7 – March 20, 2021 at Gov. Pascual St., Sipac Almacen – March 7 – March 20, 2021.

 

 

Lahat aniya ng mga residente na sakop ng naturang mga lugar ay dapat sumailalim sa sa RT-PCR swabbing at walang papayagan umalis sa kanilang bahay habang naka-lockdown.

 

 

Papayagan naman pumasok sa kani-kanilang mga trabaho ang mga essential workers na exempted ng IATF kabilang ang nagtatrabaho sa PFDA at mga residente basta magpresenta ng valid company ID o certificate of employment at negative RT-PCR result.

 

 

Hindi papayagang lumabas ang mga vunerable sector, particular ang mga matatanda at mga batang edad 18-anyos pababa maliban kung may medical emergencies.

 

 

Bibigyan naman ng mga food facks pamahalaang lungsod ang apektadong mga residente ng granular lockdown.

 

 

Isang dahilang tinukoy ni Tiangco ng pagbilis ng pagkalat ng COVID-19 ang hindi pagusuot o hindi tamang pagsusuot ng face mask o face shield kaya’t muling ipinaalala ng alkalde ang kahalagahan ng pagsunod sa health standards.

 

 

Nitong March 8, 2021, umabot na sa 6,401 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 508 dito ang active cases, 5,694 ang gumaling at 199 ang mga namatay. (Richard Mesa)

SHARON, pinost ang photo nila ni GABBY kasama ang mga batang partner at game na sa balik-tambalan; hinihintay din si MARICEL na pumayag sa movie nila

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya.

 

 

Caption ni Mega, And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?! Game ka na ba?! @concepciongabby Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa!

 

 

Agad naman nag-react ang kanyang followers na sabik na sabik kung kailan ba matutuloy ang reunion movie nila ni Gabby, na sa taong ito ay magpo-40 years na ang kanilang loveteam. Ang bongga lang, pag nangyari ngayong 2021 ang kanilang muling pagtatambal, tiyak na malaking selebrasyon ito.

 

 

Ilan naman sa naging reaction ng netizens:

“Tita Shawie hayaan mo na yang si Gabby. Parang ang mature nga niya don sa kapartner niya sa Yaya serye.”

“Big hit tong My First Yaya ng GMA7. Tease pa Ms. Sharon free promo ng serye ni Sir Gabby.”

“Tita Shawie, move on na po pls lang. Carebears na sayo c Papa Gabby. Wag mo na po ipilit ang pagpapapampam. D ka na po teenager. Lol.”

“Jusko Sharon okay na kami sa KathNiel, LizQuen tantanan na, walang bansang naghihintay sa comeback nyo as loveteam. Tama na pabebe, act your age, mahiya ka sa asawa at mga anak mo uy.”

“Mas gusto ko naman tambalan ng sharon at gabby kesa sa mga jeje love team na sinabi mo lol..kaloka ka.”

“Kakaawa ka Shawie…d ka pa rin sumusuko sa pagpapapansin sa ex mo. Eh dalaga na mga anak mo sa asawa mo. Gang kailan ba.”

“hindi yan papansinin ni gabby.”

“Mauna pa yatang mag move on si Bea Alonzo kaysa kay Tita Shawie.”

“She actually has a valid point about double standard. If older man + younger girl – ok lang sa marami. Pero the reverse – big deal agad. We should be all open-minded enough to accept that what’s good for the goose should also be good for the gander.”

“Though puro kdrama na ako now, will def watch gabby+sharon with mom and sisters, masayang treat/bonding ito.”

“Mega, sorpresahin mo na lang kami sa movie nyo ni Gabby. Ilang taon na yang nauudlot eh.”

Samantala, nag-post din si Sharon ng throwback photo nila ni Diamond Star Maricel Soriano, na isa rin sa dream project ni Mega na hindi talaga matuloy-tuloy.

Kaya parang inip na inip na si Sharon kaya isiniwalat na ang saloobin sa kanyang IG post, Ano na, Mary?! Itong babaeng ito mga 1,000 times ko na sinasabi na gumawa na kami ng movie! Ateng ko hintayin pa ba natin mag-65?!!! Eh bakit kasi tuwing bini-bring up ko iniiba mo ang topic!!!

Ayan sinumbong na kita sa netizens para alam nila ikaw lang hinihintay ko! Tara na Mary! @maricel.soriano.official.”

Well, hintayin na lang natin kung makakakuha ba sila ng magandang story para matuloy na ang pagsasama ng Diamond Star at Megastar, na for sure, kahit ang Viva Films ay magkaka-interes at puwede rin naman sina Sharon at Maricel na ang mag-produce.

‘Wag na sana nilang hintayin na umabot pa sila sa senior years bago maisipang gumawa ng pelikula.

(ROHN ROMULO)

GERALD, sinabihan na ‘wag sanang idagdag si JULIA sa mga babaeng pinaiyak; paggamit ng quote ni LEBRON JAMES, ‘di nagustuhan ng netizens

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pag-amin ni Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto, matindi ang bashing na natatanggap ng Kapamilya actor sa Instragram.

 

 

Sa isang IG post ni Gerald ay ginamit niya ang quote ng NBA superstar na si Lebron  James, “People will hate you, rate you, shake you and break you. But how strong you stand is what makes you,”

 

 

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens. Sinagot ni bebotrm ang post ni Gerald: “The thing is you are not Lebron James.”

 

 

Post naman ni anjiegalon, “Walang maniniwala sa iyo uy! Lahat ng mga nakarelasyon mo, lahat sila, galit sa pagkababaero mo.”

 

 

Comment naman ng ibang netizens hindi na dapat idinamay pa ng actor si Lebron James sa post niya dahil madadamay lang si Lebron sa pagiging negative ng image ni Gerald.

 

 

Pero may nagtatanggol din kay Gerald na ang sabi ay may third party rin sa hiwalayan ni Gerald at ni Bea Alonzo.

 

 

Pati ang nanahimik na si Joshua Garcia ay nadamay pa at sinabi na may atraso rin ito kay Julia.

 

 

Pero clear na totoong may relasyon sila Gerald at Julia, at ito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Gerald at Bea.

 

 

Panay ang deny ni Julia before. Wala raw silang relasyon ni Gerald. Hindi raw niya ito boyfriend at wala raw siyang inagaw.

 

 

Pero ngayon, alang-alang sa promo eh aamin sila na totoong may relasyon sila. So sino baa ng nasira sa kanilang pagsisinungaling?

 

 

Kaya ang comment ng mga tao, huwag raw sana madagdag si Julia sa listahan ng mga babaeng pinaiyak ni Gerald.

 

 

***

 

 

PALABAS na sa www.heypogi.com ang unang BL movie ni Rex Lantano titled Daddy Love.

 

 

Thankful si Rex kay Direk Monti Parungao who offered him the lead role sa 4-episode BL series na ito.

 

 

Bukod sa ito ang una niyang BL series, first time din ni Rex na magbida sa isang movie. First time din niyang nagkaroon ng kissing scene with a fellow male actor. Ito rin ang first ever kissing scene niya sa pelikula.

 

 

We remember sa isang kwentuhan ay nabanggit ni Rex na he was offered the role sa Daddy Love na mabilisan. Kumbaga, hindi siya masyadong nakapaghanda physically for the role eh may mga eksena pa naman na he had to be half-naked from waist up.

 

 

Hindi lang ang kakaibang kwento ng May-December gay romance ang tinatalakay sa serye kundi pati rin ang HIV awareness na medyo nalilimutan natin dahil ang lahat ay concerned sa effect ng Covid-19 virus sa mga buhay natin.

 

 

Ayon pa kay Rex, he was challenged by the role he played sa Daddy Love. Pero malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang director na si Direk Monti dahil tinulungan siya nito para magampanan nang maayos ang kanyang papel.

 

 

Alam naman ni Rex that competition is showbiz is tough and a good role doesn’t come along too often. Kaya masaya na siya sa paminsan-minsan paglabas, kahit small roles, sa Maalaala Mo Kaya.

 

 

Siyempre nangangarap din siya na maging parte ng isang malaking teleserye at makatrabaho ang ilan sa mahuhusay at tinitingalang mga director sa industriya.

 

 

Habang naghihintay ng bagong acting assignment, abala muna si Rex sa pagtulong sa bagong bukas nilang family business na Lola Mame Restaurant sa Taguig. (RICKY CALDERON)

MPD TUTUTUKAN ANG PAGDUKOT SA DALAWANG PULIS SA MAYNILA

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)  na lulutasin ang kaso ng pagdukot sa dalawang pulis sa Maynila.

 

 

 

Sa press briefing ng MPD, sinabi ni MPD Director PBGeneral Leo Francisco na naiiba ang dalawang insidente lalo na at pulis ang dinukot.

 

 

 

Naiiba aniya ang kaso lalo na at maraming kasong nalulutas ang MPD gayunman, sampal naman sa kanyang command ang naturang insidente .

 

 

 

Aminado rin si Francisco na nahihirapan o mistulang dumaraan sa butas ng karayom  sa paglutas sa kaso dahil hindi buo ang kumpiyansa ng pamilya ng mga nadukot na pulis sa imbestigasyon ng MPD.

 

 

 

Aniya lahat na ng CCTV sa mga lugar ng pinangyarihan ng krimen at mga lugar kung saan dumaan ang sasakyan ay namonitor na rin ng pulisya.

 

 

 

Ngunit kanyang dinagdag na pag lumabas na sa Metro Manila ay wala na silang maaaring daan upang matunton ang mga suspek.

 

 

 

Sa gitna nito, tiniyak ni Francisco sa pamilya ng mga biktima na gagawin ng MPD ang lahat ng kaparaanan upang matagpuan ang mga biktima at mapanagot ang mga salarin.

 

 

 

Matatandaang si Police Cpl. Allan Hilario, na nakatalaga sa Manila Police District Station 11 ay unang dinukot ng mga armadong lalaki sa Binondo at mahigit isang linggo lamang ang pinalipas ay sunod na dinukot si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41-anyos, na huling nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP at residente ng Alley St Brgy 601 Sta Mesa, Manila.

 

 

 

Mula nang sila ay dukutin, ang dalawang pulis Maynila ay hindi pa bumabalik sa kanilang pamilya. (GENE ADSUARA)

JULIA, tinanong ng netizens kung pang-ilang ‘shampoo’ na siya ni GERALD; relasyon nila tinataningan din

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila.

 

 

Timing sa birthday ni Gerald noong Linggo ang pag-amin ng dalawa. Naging visible na si Julia na kasama ni Gerald sa gift-giving nito at malaya na rin si Julia na mag-post ng intimate message sa boyfriend.

 

 

Pero, sa kabila ng pag-amin nila, bakit ba tila ang dami pa rin talaga na “nega” sa relasyon ng dalawa.

 

 

At dahil nagkaroon ng mims tungkol sa mga actress na na-link kay Gerald na halos lahat ay endorser ng iba’t-ibang shampoo brands, may netizen na nagtanong sa IG post ni Julia nang, “pang-ilang shampoo ka na?”

 

 

May tahasan pang nag-comment kay Julia nang, “Sana all fineflex Hahahaha sana di moi na dineny noon gir, jusq.”

 

 

“I still remember how she denies everything.”

 

 

At ang ina-assume nga na sagot ni Bea Alonzo sa naging pag-amin ni Gerald, ang daming nag-reply sa IG post ni Julia nang, “The ultimate truth teller.”

 

 

Katulad nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba, may nagtataning na rin sa relasyon ng dalawa na kesyo magbi-break din daw.

 

 

***

 

 

WALA raw problema kay Joaquin ‘JD’ Domagoso kung madalas na naikukumpara man siya ngayon sa tatay niya, si Mayor Isko Moreno lalo na noong panahong nagsisimula pa lang din itong mag-artista.

 

 

“Basta ako, mas pogi ako,” biro niya.

“Given naman yun na mako-compare kami. But that’s not my focus naman. That’s what he want to do when he was a kid and ako naman, gusto ko rin namang mag-artista. 

     “So, hindi ko naman kino-compare yung mga achievements niya sa akin. We have our own phases and experiences.”

At tahasan din sinabi ni JD na ayaw niyang tumira sa Malacanang at hindi rin naman daw tatakbong Presidente ng bansa si Yorme.

Kasi nga, sa March 15, magpa-pilot na ang kanyang primetime series sa GMA-7, ang First Yaya na kunsaan, umiikot din ang kuwento sa buhay ng Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion.

    “Ayoko po, ayoko po talaga,” sey niya.

“Baka mag-iba ang tingin ng tao sa akin. Mahirap ang buhay e, may bodyguard ka na palagi. Paano ka makaka-enjoy sa buhay?”

     At sabi niya, “Actually, ang Dad ko, ayaw rin naman niyang mag-Presidente. Hanggang Mayor lang siya.”

 

 

     ***

 

 

HULING Linggo na pala ngayon ng GMA Telebabad na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

 

Kaya naman tutok lahat sa magiging ending ng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez, gayundin nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

 

 

Then, ang Love of My Life naman, nasa huling dalawang Linggo naman na ang intense ng bawat episodes, sa true lang.

 

 

Simula ngayong Lunes, parang tapatan muli ang Kapuso at Kapamilya.  Yun nga lang, sa ibang network na napapanood ang mga serye ng ABS-CBN at dito malalaman kung kahit nasa TV5 na ito, talagang susundan pa rin ng mga manonood, kasama na kasi ang highest-rating and long-running primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Pero mukhang hindi nauubusan ng pambala ang Kapuso network. Magtatapos man ngayong Linggong ito ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, inaabangan na ang papalit dito  na First Yaya.  (ROSE GARCIA)

Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.

 

 

Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin.

 

 

Sinabi ni Seiko Hashimoto ang pangulo ng Japanese committee na gagawin ang torch relay ng walang audience para hindi na sila mangamba sa pagkahawa at pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Magugunitang umabot sa $15 billion ang nagastos ng gobyerno mula ng kanselahin ang Olympics noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Gaganapin ang opening ceremony ng torneo sa Hulyo 23.

PBA nakaabang na sa vaccine

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito.

 

 

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross.

 

 

“Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na sila na kasama na tayo sa list nila. So hihintayin na lang natin (‘yung vaccine),” ani Marcial.

 

 

Handa naman ang PBA na tanggapin anumang uri ng vaccine dahil mahalaga na magkaroon nito upang maging proteksiyon sa coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Maliban sa vaccine, inaabangan na rin ng PBA ang magiging tugon ng Inter-Agency Task Force na masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa Abril.

 

 

Nagsumite na ng request ang liga sa IATF.

 

 

Matatandaang nakipagpulong pa ang pamunuan ng PBA kina Sen. Bong Go at executive secretary Alvador Medialdea na parehong nangako ng suporta sa pagbabalik-aksyon ng PBA.

 

 

Plano sana ng PBA na magpatupad ng ibang bubble sa pagkakataong ito — ang closed circuit system na home-gym-home.

 

 

Subalit kung hindi ito maaprubahan, walang magagawa ang PBA kundi isagawa ang Philippine Cup sa panibagong bubble tulad noong Season 45 sa Clark, Pampanga.

 

 

Pangunahing prayo­ridad ni Marcial ang kaligtasan ng lahat kaya’t handa itong sumunod sa matinding health protocols na ilalatag ng IATF.

PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA

Posted on: March 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  pagpapatupad ng  health protocols sa kalsada at mga Barangay .

 

Kasunod ito sa  ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang  tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

 

Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay  na patuloy ang paglobo ng COVID-19.

 

Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay  Francisco para sa security plan.

 

Inatasan din ng alkalde na umikot  ang mga  tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing tagasita o COVID-19 Marshals at magsasaway  ng mga pasayaw sa kalsada.

 

Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.

 

Dagdag pa ni Domagoso  sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang  pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)