• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 opisyal, pinakakasuhan ng Blue Ribbon Committee sa sugar importation fiasco

INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng administrative at criminal charges laban sa isang Agriculture official at tatlong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.

 

 

Kabilang sa mga pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar Board member Roland Beltran atSugar Board member Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

 

 

Batay sa report na binasa ni Blue Ribbon General Counsel Gerard Mosquera, lumalabas sa “preliminary evidence on record” na kabilang sa administrative offenses na nilabag ng apat ang serious dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross insubordination

 

 

Kabilang naman sa kasong kriminal na pinapapasampa sa Ombudsman ang graft and corruption, agricultural smuggling at usurpation of official functions.

 

 

Kaugnay nito, pinalalagay na rin ng komite sa watchlist ng Bureau of Immigration ang apat na akusado. (Daris Jose)

Other News
  • ALDEN, pina-iyak si BETONG dahil ‘di akalain na papakyawin ang mga binebenta sa live selling

    MATAGAL nang kumakalat ang rumors mula sa set ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, na tampok ang nagbabalik-Kapuso drama actor na si Albert Martinez, with Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino.      Nagmula raw ang rumors  sa lock-in taping ng kanilang serye, between Albert and Faith.     Kaya nang […]

  • BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN

    MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.       Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal […]

  • DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS

    PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.   Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at […]