• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 sangkot sa droga nalambat ng maritime police

Sa kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu at nag-aabutan ng droga sa Navotas city.

 

 

Sa report ni PCpl Jan Israel Jairus Rhon Balaguer kay Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice, dakong 2 ng madaling araw, nagsasagawa ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ng foot patrol na may kaugnayan sa pagpapatupad ng MECQ sa corner alley ng BGA Compound, Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN.

 

 

Dito, naispatan ng mga pulis si Rowena Ramirez alyas “Weng”, 46, at Suzette Cariño, 49, na nag-aabutan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang agad silang arestuhin ng mga parak.

 

 

Nauna rito, dakong 7:30 ng gabi, nagsasagawa din ang mga tauhan ng MARPSTA ng foot patrol sa kahabaan ng Kadamay St., Market 3, Navotas Fishport Complex nang maaktuhan nila si Eme Abadiano, 50, at Jenny Abrancillo, 38, na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang nakabukas na kubo.

 

 

Kaagad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at ayon kay PSSg Marcelo Agao, nakumpiska sa kanila ang tatlong transparent plasticsachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO

    BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan […]

  • PBBM, gustong matapos ang 4 na high dams sa 2028

    PARA TUGUNAN ang kakapusan sa tubig, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tapusin ng gobyerno ang konstruksyon ng ilang dams, kabilang ang apat na ‘high dams’ sa 2028, ayon sa National Irrigation Authority (NIA).     Sinabi ni NIA Administrator Eddie Guillen na inaasahan ng Pangulo na ang apat na malalaking dams, ibig sabihin […]

  • Umawat sa away… Magkapatid pinagsasaksak, 1 patay, 1 sugatan

    NASAWI ang 36-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar makaraang umawat ang mga biktima sa away sa Malabon City.     Dead-on-arrival sa Makatao hospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Marlon Dollete, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi […]