4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela
- Published on July 13, 2021
- by @peoplesbalita
Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa..
Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 13 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P1,500 cash, 3 cellphones, pouch, motorsiklo at assorted keys.
Sa Malabon, timbog si Jomar Rapiz, 37, (User/Listed), carpentry/automotive ng No. 103 Atis Road, Brgy Potrero matapos makuhan ng isang cal. 38 revolver na may anim na bala at limang transparent platis sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa p4.6 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P31,280 ang halaga ng mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Jospeh Alcazar at Sub-Station 1 sa isinagawang monitoring at surveillance operation sa Atis Road, Brgy. Potrero dakong 1:05 ng hapon. (Richard Mesa)
-
SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal
WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon. Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated. And forgive me if I cannot […]
-
Ads June 12, 2020
-
Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador
“HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas. Ang brand manager ng Medicol […]