Pagbakuna sa 60-M Pinoy, aabutin ng hanggang 5 taon – Galvez
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Inamin ng gobyerno na aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Pilipino.
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 20 million hanggang 30 million katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.
Ayon kay Sec. Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaring masimulan ang pagbabakuna.
Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa mga kompanyang AstraZeneca, Sinovac Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.
Aabot sa P73 billion pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna. (ARA ROMERO)
-
Poland naalarma sa missile attack ng Russia sa border, NATO member countries inalerto
NANINIWALA ang deputy foreign minister ng Poland na si Marcin Przydacz, na ang missile attack ng Russia malapit sa kanilang border ay bahagi ng banta sa North Atlantic Treaty Organization (NATO). Una nang napaulat na 35 katao ang patay sa naturang missile strike sa Yavoriv training base, may 20 kilometro lamang ang layo […]
-
Dagdag na 300 kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo, hindi dapat na ipag- alala -Dr. Solante
HINDI pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID 19 na nadagdag kamakalawa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol. Sa katunayan, nasubukan na aniya ng ito […]
-
Dingdong at Alden, parehong wagi ng best actor: NORA, MARICEL at VILMA, triple tie sa ‘40th Star Awards for Movies’
IT’S a… triple tie! Yes, tatlo ang nagwaging Movie Actress of the Year sa katatapos lamang na 40th Star Awards for Movies ng PMPC o Philippine Movie Press Club. History ito dahil unang beses itong nangyari sa apatnapung taon ng Star Awards. Tinanghal na Movie Actress of […]