• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 timbog sa buy bust sa Valenzuela, P212K shabu, nasabat

MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang mga naarestong suspek bilang sina Mamerto Canaveral alyas “Tor”, 55, Nestor Baltazar, 46, Ariel Duque, 42, pawang residente ng ng lungsod at Jerome Buenaventura, 28 ng Caloocan City.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 6088 Balanti St. Brgy. Ugong matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng illegal na droga ni Canaveral.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Maverick Jake Perez na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu kay Canaveral at sa kasabwat umano nitong si Baltazar.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama sina Duque at Buenaventura na kapwa parokyano umano ni Canaveral.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 31.27 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P212,636, buy bust money, P1,200 recovered money, 2 cellphone at pouch.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabags sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Druga Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, ilalagay sa tamang lugar ang ‘structural changes’ sa DA bago bumaba bilang Kalihim

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  ilalagay muna niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa Department of Agriculture (DA) bago pa bumaba bilang Kalihim ng departamento.     Ito’y upang matiyak ang food security sa bansa.     Sa isang panayam matapos ang formal turnover ceremony, idinaos sa Valenzuela City, ng 20,000 […]

  • Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB

    Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may  136,000  driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products.     Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) […]

  • MGA DATING MIYEMBRO NG NPA, PINASALAMATAN NI LABOR SECRETARY BELLO SA PAGTITIWALA SA PAMAHALAAN

    PINAGKALOOBAN  ng ayuda ng Department of Labor and Employment ang dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na bayan sa Currimao, Ilocos Norte.   Personal na dumalaw si Labor Secretary Silvestre Bello III upang ipakita ang katapatan ng pamahalaan sa paghahatid ng kapayapaan sa bansa lalo na sa hanay ng mga dating […]