4 treasure hunters na natabunan ng gumuhong lupa, pinangangambahang patay na – LGU
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
Inihinto na ng rescue team ang kanilang operasyon para sa apat na mga menor de edad na na-trap sa gumuhong tunnel nitong Linggo ng umaga sa Purok 1, Brgy Kinamayan, Sto. Tomas, Davao del Norte.
Inihayag ni Sto Tomas City Administrator Atty. Eliza Evangelista-Lapena, sinumulan nitong Lunes ng umaga ang retrieval operation para sa mga biktima na sina Kayl Castaneres, Gerick Marquez, Dindo Panares, at Rustom Rancho na pawang mga residente ng Kapalong, Davao del Norte at umanon’y pawang mga menor de edad.
Napagdesisyunan umano ng Incident Command System at Emergency Medical Responders matapos ang kanilang assessement meeting kagabii at kinumpirma ng rescue team na wala nang signs of life sa ilalom ng gumuhong tunnel.
Inihayag ni Lapena na pinangangambahang patay na ang mga biktima makalipas ang 24 na oras na pagka-trap kung saan natabunan ang posibleng daanan ng hangin.
Una rito, gumuho ang tunnel alas-9:00 ng umaga ng Linggo ngunit ini-report lamang ng mga kasamahang treasure hunter ala-1:00 na ng hapon matapos hindi na nila makontrol ang sitwasyon.
Dagdag pa ni Lapena na nauna nang pinahinto ng barangay ang paghuhukay noong buwan ng Abril, pero palihim umanong pinagpatuloy.
-
Marcos spokes Vic Rodriguez, tinanggap na ang alok bilang next Executive Secretary
TINANGGAP na ni Atty. Vic Rodriguez, ang nominasyon bilang susunod na Executive Secretary, siya ang chief-of-staff at spokesperson ni Presumptive President Ferdinand “Bong Bong” Marcos. Ang anunsiyo hinggil sa nominasyon ni Rodriguez ay inanunsiyo ng kampo ni Marcos ngayong araw sa pamamagitan ng isang statement. Si Rodriguez ay 48-anyos at tinaguriang […]
-
KRIS, patuloy na lalaban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY; tumutulong pa rin sa kabila ng pinagdaraanan
SA latest IG post ni Kris Aquino, ipinakita niya ang kanyang hitsura na papayat nang papayat habang nakikipaglaban sa kanyang sakit. Makikita na tinutukan siya ng gamot at nilalagyan ng IV, na kahit mararamadam mo ang sakit, nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpasalamant sa nurse. Kasama rin ang post ang […]
-
Pope Francis, nagpaabot nang pakikiramay sa sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni FVR
NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Pope Francis sa sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang mensahe ng Santo Papa ay ipinasa ng tanggapan ng Apostolic Nuncio sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Agosto 9. Ang liham ay nilagdaan ni Msgr. Alessio Deriu, kalihim ng Apostolic […]