NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.
Sa nilagdaang Executive Order no. 07 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nagsasaad ng “An order declaring certain barangays, or portion thereof, of the city as critical zone (CrZ) per zoning containment strategy in order to provide rapid response operation to contain the resurgence and spread of COVID-19”, isasailalim sa lockdown ang Brgy. 185, zone 16 sa Tondo na may 11 aktibong kaso; Brgy. 374, zone 38 sa Sta. Cruz na may 10 aktibong kaso; Brgy. 521, zone 52 sa Sampaloc na may 12 aktibong kaso; Brgy. 628, zone 63 sa Sta. Mesa na may 10 aktibong kaso; Brgy. 675, zone 73 sa Paco na may 22 aktibong kaso; at Brgy. 847, zone 92 sa Pandacan na may 10 aktibong kaso.
Batay sa EO, ipatutupad ang lockdown sa mga nasabing barangay simula alas-12:01 ng hatinggabi sa Miyerkules (Marso 17) hanggang alas-11:59 ng gabi sa Sabado (Marso 20).
“For purposes of disease surveillance, massive contact tracing and verification or testing and rapid risk assessment as the City’s response measures to the imminent danger posed by the resurgence of Covid-19 and its variants,” saad sa EO.
Una nang sinabi ng alkalde na posibleng ilockdown ang buong Maynila kung kinakailagan upang makontrol ang posibleng pagtaas ng kaso ng sakit sa lungsod.
Tiniyak naman ni Domagoso na sapat ang suplay ng pagkain para sa mga residente habang sila ay nakalockdown dahil hindi sila papayagang makalabas ng kanilang bahay.
Nauna nang nilockdown ang dalawang barangay at dalawang hotel nitong nakaraang linggo makaraang makapagtala ang mga ito ng madaming aktibong kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE
NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE. Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas […]
-
Pagkontrol sa inflation ‘pinakamahalagang’ isyu sa 63% ng Pinoy — Pulse Asia
PAGKONTROL sa inflation ang nag-iisang national concern na “urgent” para sa karamihan ng Pinoy ayon sa Pulse Asia — ito ngayong pinakamabilis sa buong Southeast Asia ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ng survey firm ngayong Martes sa kalalabas lang nilang June 2023 Ulat ng Bayan survey […]
-
Eala pa-wow sa US NCAA
PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado. Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter […]