4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas
- Published on October 14, 2024
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, kapwa ng lungsod kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang ulat, bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr. saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:44 ng madaling araw sa M. Naval St., Brgy. San Roque matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Capt. Rufo, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na0 P41,888.00 at buy bust money.
Alas-11:36 ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque, si alyas Nilo, 51, at alyas Toni, 59, kapwa ng lunsod at nakuha sa kanila ang nasa 5.48 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P37,264.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas police sa kanilang matagumpay na operation kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pagsibak sa 18 PNP officials, ipatutupad na
TULUYAN nang sisibakin sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 18 opisyal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation matapos na masangkot sa P6.7 bilyong illegal drug trade noong nakaraang taon. Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, ang pagsibak sa mga ito ay alinsunod sa kanyang pakikipagpulong […]
-
VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’
“I HAVE no respect for them.” Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit niya ‘singled out’ sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential […]
-
Ads October 16, 2021