• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 wildlife traders nalambat ng Maritime Police sa entrapment operations

APAT na umano’y wildlife traders ang natimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa magkakahiwalay na entrapment operations na may kaugnayan sa ‘All Hands Full Ahead’ sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region at Bulacan,

 

 

Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station chief PMAJ John Stephanie Gammad, dakong alas-11:56 ng umaga noong March 7 nang maaresto nila sa entrapment operation si alyas ‘Charles’, 30 ng Brgy. Western Bicutan sa harap ng Tenement Building sa BLC st., Brgy Western Bicutan, Taguig City.

 

 

Bandang alas-7:40 ng gabi ng kapareho ding araw nang madakip naman ng kabilang team ng Northern NCR Maritime police sa entrapment operation din si alyas ‘Danjie’, 39 ng Brgy. Pinagbuhatan sa kahabaan ng Urbano Velosco Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

 

 

Habang ala-1:32 ng hapon noong March 10 nang matiklo naman ng isa pang team ng Northern NCR Maritime police sa entrapment operation din sa Brgy. Banga 1, Plaridel Bulacan si alyas ‘Jeremiah’, 39 ng Brgy. Sipat Plaridel, Bulacan.

 

 

Sa hiwalay naman na entrapment operation ng mga tauhan ni Major Gammad sa MacArthur Highway Brgy. Bunlo, Bocaue Bulacan ay natiklo nila si alyas ‘Simon’, 50 ng Brgy. Lolomboy Bocaue dakong alas-9:47 ng umaga ng March 11.

 

 

Nakuha sa mga naarestong suspek ang dalawang buhay na Ball Phyton, isang buhay na Red Ear Turtle, pitong buhay na Green Cheek Conure, dalawang buhay na Blue-nape Parrot na may estimated value lahat na P62,000.00, 62 pirasong P1,000 boodle money at apat na cellphones.

 

 

Ayon kina Maritime police investigators PCMS Nemensio Garo II, PSMS Manny Vidal, PCpl Aldrin Sacopon at Pat Rincess Joy Pascua, sinampahan na nila ng kasong paglabag sa Sec. 27 (Trading of Wildlife) at (Possession of Wild Life Species) of RA 9147 “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” in relation to Sec. 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang apat na naaresto. (Richard Mesa)

Other News
  • DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS

    INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa  June 12,2022.   Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda  para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach.     Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito     […]

  • Ads January 25, 2023

  • Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite

    INAPRUBAHAN  ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.     Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful […]