40 BI officials na sangkot sa ‘Pastillas Scheme’ sinabon at pinakain ng pera
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas Scheme” ang ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Ito ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals king saan nakarolyo ang perang suhol sa papel na kapareho sa pastillas.
Nabatid na sinermunan at sinabon nang husto ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng BI.
Sa photo release ng Malacañang, may mga nakalagay na nakarolyong papel na kamukha ng pastillas sa mga upuan ng mga ipinatawag na BI officials.
Una rito, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ipinakain ni Pangulong Duterte ang mga pastillas na nasa upuan.
Pero ayon kay Sec. Guevarra, hindi totoong pastillas ang mga nasa upuan kundi perang nakarolyo kagaya ng pastillas.
Wala naman daw naglakas ng loob na umimik o sumagot habang nagsasalita si Pangulong Duterte.
Maliban kay Sec. Guevarra, kasama rin kagabi ni Pangulong Duterte sina Executive Sec. Salvador Medialdea at Sen. Bong Go. (Richard Mesa)
-
Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito
LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. “Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive. “Tuluy-tuloy na ito, at this […]
-
Kai Sotto patuloy ang paghahanda sa 2022 NBA Draft
PATULOY ang ginagawang paghahanda ni Filipino basketball player Kai Sotto parea sa 2022 NBA Draft. Kahit na hindi nakasama ito sa Draft Combine ay patuloy ang ensayo ng 7-foot-2 sa Atlata. Nakipag-work outs rin ito sa ilang NBA teams. Sinabi ng 19-anyos na si Sotto na patuloy ang kaniyang […]
-
PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya
IBINAHAGI ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya. Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta. Palalakasin din ito ang inisyatibo sa […]