• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan. Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa Nobyembre 14, kasabay naman ng paggunita sa World Day of Prayer for the Poor.

 

 

“We encourage our Kapanaligs to join us in daily prayer to prepare this journey for our Common Home,” paanyaya ni LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha sa panayam ng Radio Veritas. Layunin ng apatnapung araw na pananalangin na suportahan ang pitong sektor ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo at ang mga nasa religious orders.

 

 

Ito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad na kabilang sa LSAP para sa pagiging mga mabuting katiwala ng ating inang kalikasan upang matagumpay namang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals: – Response to the cry of the earth; – Response to the cry of the poor; – Ecological economics; – Adoption of simple lifestyles; – Ecological education; – Ecological spirituality; and – Community engagement and participatory action “From our families, parishes and dioceses, schools, healthcare community, economic sector, organizations and groups, and religious orders and missions, as stewards we shall act together to achieve the goals of Laudato Si’.

 

 

Let us thank God for the gift of creation we ought to care, restore and regenerate,” ayon kay Galicha. Dito’y mayroon ding nakalaang mga araw ng panalangin sa bawat sektor ng LSAP na nag-uugnay sa Laudato Si’ Goals. *insert photo* Ang 40-day prayer campaign ay pangungunahan ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development katuwang naman ang LLS Philippines.

 

 

Magugunita sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinikayat nito ang bawat mamamayan na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat komunidad para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha

Other News
  • Para sa Asian premiere ng upcoming Neflix movie: CHRIS HEMSWORTH, excited na rin sa pagpunta sa bansa next month

    GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza.     Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network. […]

  • Japeth Aguilar, Adrian Wong ipinatatawag ng PBA hinggil sa video ng 5-on-5 game

    Ipinatatawag ngayon sa PBA Commissioner’s Office sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang makuha ang kanilang panig tungkol sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols.   Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakatakda niyang pulungin sina Aguilar at Wong sa darating na Lunes matapos kumalat sa online […]

  • Barko ng PCG, muling hinarass

    NAKATIKIM muli ng pangha-harass ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga barko ng China.     Ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, ginamitan ng water Cannon ng China Coast Guard (CCG) vessel 3302 ang BRP Datu Pagbuaya ng BFAR at PCG .   Ang insidente ay nangyari kaninang alas 6:30 ng […]