• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japeth Aguilar, Adrian Wong ipinatatawag ng PBA hinggil sa video ng 5-on-5 game

Ipinatatawag ngayon sa PBA Commissioner’s Office sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang makuha ang kanilang panig tungkol sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols.

 

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakatakda niyang pulungin sina Aguilar at Wong sa darating na Lunes matapos kumalat sa online ang mga videos kung saan makikitang naglalaro ang mga ito ng five-on-five basketball.

 

Maaalalang batay sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF), bawal ang pagsasagawa ng mga contact sports, maging ang mga practice at scrimmage.

 

Sinabi pa ni Marcial, nakausap na raw nito ang special draft pick na si Isaac Go, isa pa sa mga players na nakita sa video, tungkol sa nasabing insidente.

 

Maliban kina Aguilar at Go, nakita rin na naglalaro sa isang full-court game si Thirdy Ravena sa Ronac Gym sa San Juan.

 

Habang si Wong ay namataan naman sa ibang mga larawan at video na ipinost sa Instagram ng isang basketball trainer.

 

Ani Marcial, kanya raw rerebyuhin ang lahat ng mga videos na nakalap ng kanyang tanggapan bago makipagpulong sa mga players.

 

Umaasa naman ito na hindi parurusahan ng IATF ang mga sangkot na manlalaro.

Other News
  • Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

    IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.     Sa ilalim […]

  • Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

    ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]

  • IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papel at naging kontribusyon ng Indonesia sa kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.

    Sa isinagawang joint press statement kasunod ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Indonesian President Joko Widodo, umaasa si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Indonesia ang pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). “So, today, we also recognized Indonesia’s contribution to peace and development in the Southern Philippines. As Mindanao continues to […]