• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory

Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

 

 

Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 taon ng pagpanaw ni dating Pangulong “Cory” Aquino.

 

 

Tulad nang unang naiulat, virtual o sa pamamagitan lamang ng online isinagawa ang misa sa iba’t ibang dako ng mundo sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

 

 

Matapos ang misa, maiksing mensahe ng pasasalamat ang ipinaabot ni Vice President Leni Robredo para sa naging kontribusyon bilang pang-15 pangulo ng bansa.

 

 

Inilarawan nito si Noynoy bilang “simple, disente, masipag, at makatwiran.”

 

 

“We say goodbye to Noy, but history will never. History will remember his bravery against China, the infrastructure he imagined, the economy he built, the international relationships he fostered, the bills he signed into law against all odds, his indifference to personal attacks. His presidency was a part of the Filipinos’ story, and proof again that we as a nation can overcome anything,” wika naman ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

Nitong June 24 nang sumakabilang-buhay si P-Noy dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

 

 

Habang ang kanyang ina naman ay binawian ng buhay sa edad na 76 noong 2009 dahil sa colon cancer.

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 39) Story by Geraldine Monzon

    NAKABALIK na si Andrea sa tunay niyang mga magulang at sa mga susunod na araw ay magiging abala na sila para sa kanyang welcome party bilang si Bela. Habang si Jeff ay sinubukang kontakin si Jared upang malaman ang kinaroroonan ni Andrea. Pero nabigo siyang makakuha ng impormasyon mula sa binata.   “Malaman ko lang […]

  • PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS

    SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon.   Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto […]

  • Halos P1 milyon shabu, nasamsam sa HVI na ginang sa Valenzuela

    MULING humimas ng rehas ang isang babaeng tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos isang milyong peso halaga ng shabu nang maaresto muli ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.           Sa kanyang ulat kay Northern Police […]