• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

400 accounts sa social media, tinanggal

INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.

 

 

Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social media ang kanilang kampanya.

 

 

Ayon sa Meta, na nasa likod ng Facebook, Ins­ta­gram at WhatsApp, naobserbahan nila ang ilang trends na gumagamit ng mga ‘less sophisticated strategies’ o “spam-like” behaviors hinggil sa halalan.

 

 

Mayroon ding ‘context switching’ o ang pagpapalit ng Facebook focus upang maparami ang kanilang audience, mula sa pagiging non-political ay naging political at vice-versa.

 

 

“One Page that mainly shared non-political dance videos renamed itself to become “Bongbong Marcos news,” while another Page that started off as supporting a politician later changed its name to “Your Financial Answer” and began posting loan advice,” pahayag pa ng Meta sa isang blog post.

 

 

Mayroon din anilang mga ‘deceptive efforts’ o yaong grupo na nagpapanggap na miyembro ng mga komunidad sa Pilipinas at tinatangkang pagkakitaan ang halalan sa pamamagitan nang pagbebenta ng mga merchandise o sinusubukang papuntahin ang ibang tao sa ibang websites.

 

 

Sinabi rin ng Meta na sa pagpapaskil ng paid ads, kailangang kumpirmahin muna ng mga advertisers ang kanilang pagkakakilanlan, gayundin ang kanilang lokasyon upang maging transpa­rent ito.

 

 

Paglilinaw naman ng Meta, ang lahat ng kanilang mga polisiya ay nakatuon sa pag-uugali at kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa platform at hindi base sa content o politicial inclinations ng mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • Excited na sa muling pagho-host ng ‘Family Feud’: DINGDONG, tahasang sinabi na gustong maka-trabaho sa teleserye si JO BERRY

    MUKHANG excited ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang bagong show sa GMA-7, ang Family Feud.     Kilala si Dingdong bilang isa sa mga mapagkakatiwalaang host ng Kapuso network at sa pagkakataong ito, sa isang game show naman nga.     Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng picture sa […]

  • PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy

    LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong  Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa  World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. […]

  • VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG KINANSELA

    PANSAMANTALA munang ititigil ang voting registration  sa Nobyembre 30 at Disyembre 8 .   Sa inilabas na public advisory ng Commission on Election (Comelec), ito ay bilang paggunita sa  regular holiday (Nov. 30) at special non working holiday (Dec. 8),  kaya pansamantalang kinansela ang voting registration at base na rin sa  Presidential Proclamation No. 845. […]