• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino

SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards  para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.

 

 

Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang mga indibidwal at grupo na walang pagod na ikinakampeon ang kapakanan ng mga manggagawa ng industriya ng pelikula at ang pag-unlad ng industriya.

 

 

Sina Pangasinan 4th District Rep. Christopher “Toff” de Venecia, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman at Cultural Center of the Philippines (CCP) President Arsenio “Nick” Lizaso, Lockdown Cinema Club, Inter-Guild Alliance, Dingdong Dantes, at Angel Locsin ang FAN 2021 Cinemadvocates.

 

 

Ang ‘Gabay ng Industriya Award’ ay bagong parangal para bigyang-pugay ang mga nagsisilbing gabay at inspirasyon sa Philippine Cinema. Nagpapasalamat ang industriya sa kanilang kahanga-hangang talento, work ethic, at pagmamahal para sa pelikula.

 

 

Ang cinematography icon na si Romy Vitug ang tatanggap ng ‘Haligi ng Industriya Award’ at ang legendary actress na si Gloria Romero ang tatanggap ng ‘Ilaw ng Industriya Award.’

 

 

Ang ‘Camera Obscura Artistic Excellence Award’ ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng FDCP para sa trailblazers at legends ng industriya.

 

 

Ang Camera Obscura awardees ngayong taon ay sina Jun Juban ng Philippine Film Studios, Inc., multi-awarded documentary “Aswang” ni Alyx Arumpac, at ang dating NCCA Commissioner na si Teddy Co.

 

 

Ang Philippine Film Studios, Inc. ni Juban ay critical figure sa film at audiovisual industry ng bansa dahil naka-produce at co-produce ito ng maraming pelikula at audiovisual content gaya ng Academy Award winners na “Born on the Fourth of July” at “Platoon” ni Oliver Stone, “The Bourne Legacy” ni Tony Gilroy, Metro Manila Film Festival Best Picture “10,000 Hours” ni Bb. Joyce Bernal, at mga edisyon ng reality television programs na “The Amazing Race” at “Survivor.”

 

 

Ang “Aswang” ni Arumpac ay A-Lister noong FAN 2020 pagkatapos nitong makamit ang Fipresci Prize sa 2019 International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA). Nanalo pa ng walong international awards ang full-length documentary noong 2020, kabilang ang Best International Feature-Length Documentary ng Festival Film Dokumenter sa Indonesia, Grand Prize-Best International Feature ng the RIDM Montreal International Documentary Festival sa Canada, Amnesty International Human Rights Award ng Thessaloniki International Film Festival sa Greece, at White Goose Award (Grand Prize) ng DMZ International Documentary Festival sa South Korea.

 

 

Si Teddy Co, ang dating NCCA Commissioner of the Arts at Head of National Committee on Cinema, ay isang direktor, curator, at archivist na malaki ang kontribusyon sa repatriation at restoration ng lost films nina Manuel Conde, Gerardo de Leon, at Nonoy Marcelo. Co-founder siya ng Cinema Rehiyon, kung saan patuloy ang kaniyang pag-curate nito. Siya rin ay selection committee member para sa Cinemalaya, Cinema One Originals, at QCinema International Film Festival.

 

 

At para sa ika-5 nitong edisyon, isasagawa ang FAN bilang pagsuporta sa National Arts Month ng NCCA. Ipalalabas ito nang libre sa pamamagitan ng online streaming sa Pebrero 28, Linggo, ng 8 p.m. exclusively sa FDCP Channel. Ang mga nais manood ng FAN 2021 ay maaaring mag-sign up for free sa fdcpchannel.ph.

 

 

Ang FAN ay suportado ng CCP sa pamamagitan ng partisipasyon ng resident symphony orchestra nito, ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO). Tampok ang PPO sa mga production number kasama ang mga premyadong performer na sina Bamboo, Tres Marias (Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon), Bituin Escalante, Beverly Salviejo, Karla Gutierrez, Lawrence Jatayna, at The Pogi Boys. Mayroon ding special number tampok sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Richard Poon, Kean Cipriano, at Duncan Ramos.   (ROHN ROMULO)

Other News
  • MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?

    Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”.     Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng […]

  • COMELEC, maghihintay ng abiso sa Kongreso sa kung paano mapupunan ang mababakanteng puwesto ni Cavite Congressman Boying Remulla na

    HIHINTAYIN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdedeklara ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa vacancy sa puwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na dalawang opsyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla kasunod ng pagtanggap […]

  • VP Sara humingi ng ebidensiya sa 30K drug war deaths

    NAIS ni Vice President Sara Duterte na makita ang ebidensiya sa sinasabing 30,000 mga namatay sa war on drugs ng nagdaang administrasyon. Ayon kay VP Sara, kulang ang nasa 181 piraso ng ebidensiya na iniharap ng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC). Hindi aniya ito sapat sa laki ng bilang ng diumano’y extrajudicial killings noong war […]