4,000 pulis sa NCRPO, ikakalat para bantay-eleksyon
- Published on March 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAKALAT na ng nasa 4,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022.
Ayon kay NCRPO chief, P. Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya at pagmomonitor sa kanilang area of responsibilities (AORs).
Itinalaga ang nasabing bilang sa iba’t ibang campaign activities upang mapanatili ang kapayapaan ang kaayusan, kabilang pa ang mga naka-standby, sakaling kailanganin pa ng dagdag na puwersa.
“The forthcoming National and Local Elections 2022 is expected to be more challenging than it was before considering the fact that we are facing a global health crisis at the moment. We must modify our strategies to adopt to the new environment,” ani Natividad.
“Let us continue to maximize police presence, non-stop inspections, our undivided attention and dedication as well as continuous anti-criminality campaign to guarantee that we will have a safe, accurate and fair election. Sama-sama tayong magtrabaho ng maayos, tama at ilagay sa puso ang disiplina upang makamit natin ang payapang eleksyon”, dagdag pa nito.
-
Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang Pamahalaang […]
-
Pacquiao, liyamado sa mga sugarol sa pustahan sa Las Vegas
Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao. Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito. Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala. […]
-
‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko
PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season. Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantalaa ang mga may pakana sa online modus. Kaugnay nito, […]