• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.

 

Ang mga active cases o nagpapagaling pang infected medical frontliners ay nasa 638, na binubuo ng 56% na mga mild, 39.3% na mga asymptomatic, 3.1% severe, at 1.6% na nasa kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa World Health Organization (WHO), isa mula sa pitong kaso ng COVID-19 na inire-report sa kanila ang healthcare worker.

 

“Globally around 14% of COVID cases reported to the WHO are among health workers and in some countries it’s as much as 35%,” ani Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO.

 

Kaya naman apela ng international organization sa mga estado, palakasin ang kanilang mga polisiya na nagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers, lalo na sa usapin ng mental health.

 

Hindi rin umano dapat mawalan ng access sa mga personal protective equipment at training ang medical frontliners para matiyak ang kanilang kaligtasan sa trabaho.

 

“We all owe health workers an enormous debt, not just because they have cared for the sick, but because they risk their own lives in the line of duty.”

 

Nababahala ang WHO, dahil lumabas sa kanilang hiwalay na pag-aaral na isa mula sa apat na healthcare workers ang nakakaranas ng anxiety at depression. Habang isa mula sa tatlong healthcare workers ang may insomnia.

 

Ayon kay Ghebreyesus, may obligasyon ang bawat pamahalaan na siguruhing ligtas at maayos ang lagay ng kanilang mga health workers.

 

Una nang sinabi ng Health department ng Pilipinas na mas maraming benepisyo na ang aasahan ng healthcare workers sa ilalim ng pinirmahan na Bayanihan to Recover as One Act.

Other News
  • Sa category na Outstanding Asian Star: DENNIS, BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa ‘Seoul International Drama Awards 2023’

    MABILIS ang sagot ni Beauty Gonzalez, nang tanungin siya sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” kung ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanyang makatambal si Senator Bong Revilla, sa action-comedy series?     “Kilig at excitement,” nakangiting sagot ni Beauty.     […]

  • Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M

    PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project.     Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa […]

  • Ads October 3, 2022