• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

41 NA BANSA NASA GREEN LIST, 8 NANANATILI SA RED LIST

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatupad  sila ng pinakabagong polisiya sa bansa hinggil sa green, yellow at red lists.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 41 na bansa ang nakasama na sa green list na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

 

Ang mga bansa na kabilang sa green list ay ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, Chad, People’s Republic of China, Comoros Côte d’Ivoire (Ivory Coast), Democratic Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), Indonesia, Japan, Kenya, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Morocco, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Sudan, Taiwan, Timor-Leste (East Timor), Togo, Uganda, at ang United Arab Emirates.

 

 

Habang ang nasa red list ay ang bansang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Réunion, San Marino, South Africa, at  Switzerland.

 

 

Ang mga  bansang hindi binanggit ay awtomatikong kasama sa yellow list.

 

 

Paliwanag ni Morente na kasunod ng itinakdang travel restrictions,  sa mga bansang manggagalingsa red list o may travel history ay mayroong 14 na araw bago ay pagdating nila sa Pilipinas ay hindi papayagang makapasok.

 

 

Sa red list, tanging ang mga Filipinos na galing sa government o non-government initiated repatriation flights o bayanihan flights  ang maaring makapasok.

 

 

Klinaro ni Morente na sa  general travel policy, angkp lamang ito sa mga bansang manggagaling sa green at yellow list countries.  Tanging mga Filipinos, balikbayan, at may long term visas ay papayagang nakapasok sa bansa subalit dadaan sa quarantine policies na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA

    DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.   SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.   Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.   Gayunman, […]

  • AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal

    SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year.     May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya.     Kuwento […]

  • Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party

    HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy.     Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng […]