• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA

DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.

 

SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.

 

Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.

 

Gayunman, nilinaw ng alkalde na mga Class 1 na sasakyan lamang ang papayagang pumila sa drive- thru gaya ng passenger van, kotse at SUVs.

 

Naisakatuparan aniya ito sa pamamagitan na rin ng pakikipag- ugnayan ng pamahalaaang lungsod sa NLEX, CALAX, CAVITEX, SLEX at sa tulong na rin ng Department of Transportation dahil na rin sa mga kahilingan ng maraming mga motorista na dumadaan sa nasabing mga toolgate.

 

Ayon pa sa alkalde, wala nang iba pang kailangan na dokumento kundi magdala lamang ng 200 daang piso para sa initial load ng RFID. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dahil priceless yun at ipagmamalaki hanggang tumanda: ALLEN, nalungkot din sa ginawang pagbenta ni JIRO sa kanyang Best Actor trophy

    NAGING malaking balita ang tungkol sa pagbebenta ni Jiro Manio ng kanyang 2004 Gawad Urian Best Actor trophy (para sa ‘Magnifico’) sa kolektor at Pinoy Pawn Stars vlogger na si Boy Toyo.     Dahil sa pangangailangan sa pera ay ibinenta ni Jiro kay Boss Toyo sa halagang seventy five thousand pesos ang acting trophy. […]

  • Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum

    NANINIWALA  ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.     Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending.     Pinaka-positibo […]

  • SWP tumubo lang na parang kabute

    ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI)   At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).   May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa […]