• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’

Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro.

 

 

Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million.

 

 

Kung maalala sa halos buong NBA career ay iniukol ito ni Haslem sa Miami.

 

 

Gayunman sa nakalipas na anim na season, dalawang games lamang siya na pinalaro bilang starter.

 

 

At noong nakaraang season, isang beses lamang siyang nakalaro na tumagal lamang ng tatlong minuto at na-eject pa siya.

 

 

Sinasabing mahalaga umano ang ginagampanang papel ni Haslem na tulad ng isang coach at nagbibigay ng inspirasyon sa mga players.

 

 

Ang 2021-22 NBA season ang siyang magiging 19th season ni Haslem sa Heat.

 

 

Inabot na rin siya noon sa pagiging bahagi ng tatlong NBA championships.

Other News
  • PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting

    Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.     Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]

  • Comelec, tiniyak na nananatiling nasa ilalim ng kanilang ‘full control’

    PINAWI  ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng publiko partikular na ang mga botante hinggil sa posibilidad na magkaroon ng dayaan pagdating sa resulta ng national at local elections ngayong araw, Mayo 9, 2022.     Sa press briefing na isinagawa ng National Board of Canvassers for the 2022 National and Local Elections ay […]

  • Dahil sa pinagsasabi niya habang nasa Kakampinks rally: MELAI, pinagbantaan kasama ang mga anak kaya umaapela na mahanap ang BBM supporter

    MAY bagong album si Ronnie Liang which he recorded para sa 125th Founding Anniversary ng Philippine Army.     has 12 songs at isa rito ay may titulong ‘Para sa Kapayapaan’ which has a matching music video.     Ang mga awitin na nakapaloob sa album were composed by the soldiers themselves.     The songs […]