• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

450 solo parents tumanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.

 

 

May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.

 

 

Kasama sa ikaapat na batch ng mga benepisyaryo si Angelica Ebrole, 33, single mother mula sa Brgy. Sipac-Almacen. Plano niyang gamitin ang perang natanggap niya sa pang-araw-araw na gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

 

 

“Gagamitin ko ang perang natanggap ko para mabigyan ng sapat na baon ang mga anak ko pagpasok sa eskwelahan.  Nagpapasalamat ako kay Mayor John Rey sa pag-asikaso nya sa aming mga solo parent,” ani Ebrole.

 

 

“Pandadagdag ko po ito sa pambili ng pagkain at school supplies ng mga bata. Malaking tulong po sa amin ang programang ito ni Mayor John Rey,” sabi naman ni Jopel Pastrana, 35, isang single father mula sa Brgy. Navotas East.

 

 

Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay bahagi ng serye ng mga pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod na naglalayong makinabang ang 1,500 rehistradong Navoteño solo parents ngayong taon.

 

 

“Our social welfare and development office is already preparing for the fifth and final batch of beneficiaries this year.  We encourage Navoteño solo parents to secure their 2022 solo parent ID to qualify for the next payout,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Ang Navotas, sa pamamagitan ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute, ay nagsagawa rin ng 5-araw na skills training sa foot spa services upang mabigyan ang mga rehistradong solo parents ng isa pang paraan na maghanap-buhay.

 

 

Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year. (Richard Mesa)

Other News
  • Devon, inili-link na ngayon sa kanya… DAVID, naka-focus sa career kaya single pa rin hanggang ngayon

    SA usapang “mana”, lahat ay nakikinig.     At tulad ng pagka-hook sa newest romantic-comedy on TV, ang ‘GoodWill’, na napapanood sa NET25 every Sunday at 4 pm right before the show ‘Korina Interviews’.     Eto ang latest sa inaabangan every weekend.     Sa Episode 6 ng ‘GoodWill’, si Lloyd Patawad (David Chua), […]

  • PNP muling nagpatupad ng balasahan; bagong command group ni Eleazar pormal nang umupo sa pwesto

    Muling nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pag bakante ng ilang ilang pwesto sa PNP matapos magretiro sa serbisyo si retired Gen. Debold Sinas.     Sa direktiba na pirmado ni newly-installed PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, nasa 11 Police Generals and Colonels ang kabilang sa panibagong rigodon.   Epektibo ngayong […]

  • 3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas […]