45M Filipino fully vaccinated laban sa COVID-19- Nograles
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa 45 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.”
Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang dose vaccine ay 60,212,001.
“These make the total doses of COVID-19 vaccine administered so far at 102,995,133 million as of December 21,” ayon kay Nograles.
Target naman ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 54 milyong Filipino bago matapos ang taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Nagsimula ang gobyerno ng COVID-19 vaccination program noong Marso 1, subalit ang pagbabakuna naman sa mga may edad na 12 hanggang 17 ay hindi nasimulan hangga’t hindi dumating ang kalagitnaan ng Nobyembre. (Daris Jose)
-
Taylor Swift, hawak na ang record for most AMA career wins by a single artist
SI Taylor Swift ang nagwagi ng top award of the night na Artist of the Year sa American Music Awards (AMAs). Hindi nakadalo sa awards night si Taylor dahil abala ito sa re-recording ng kanyang music catalog. In a pre-recorded video, sinabi ni Taylor: “The reason I’m not there tonight is I’m actually […]
-
Irving papayagan na ring mag-practice sa Brooklyn Nets facility
Pinayagan na rin ang NBA supertar na si Kyrie Irving na makapag-practice sa kanilang team facility sa Brooklyn. Gayunman hindi pa rin ito makakapaglaro tulad na lamang sa New York at home games kapag nagsimula na ang season dahil sa hindi pa rin ito nakakapagpabakuna laban sa COVID-19. Ayon sa team, […]
-
Sec. Andanar, personal na kinumpirma na tinamaan ng Covid- 19
KINUMPIRMA mismo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na positibo siya sa Covid-19 at isang asymptomatic. Sa kalatas na ipinalabas ni Andanar, nakasaad dito na kaagad siyang nag-isolate at nag-home quarantine. “I would like to confirm that I have, unfortunately, tested positive for COVID-19. Though I am asymptomatic, I was […]