• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kaso ng OSAEC, hindi dapat inaayos sa barangay level-Abalos

SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na hindi dapat inaayos ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa barangay level.

 

 

Sa katunayan, hinikayat ni Abalos ang publiko na dalhin ang ganitong uri ng insidente sa law enforcement authorities dahil karamihan sa mga kaso ng online sexual abuse laban sa mga menor de edad ay hindi na umabot pa sa kaugnay na mga opisyal ng batas.

 

 

Kaya ang babala ni Abalos sa mga local officials ay mananagot kapag napatunayan na nasa likod ng ”settlement” ng mga ganitong uri ng kaso.

 

 

”Ito na ‘yung wina-warning ko sa lahat na mga barangay. Hindi na puwede mag-settle. Hindi puwede i-settle ito, I’m warning you…” ang babala ni Abalos.

 

 

‘Kung sino man ang makipag-settle dito , I will make sure makukulong din kayo,” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Margarita Magsaysay, officer-in-charge at executive director ng National Coordinating Council on OSAEC at CSAEM, kung ang mga ganitong kaso ay hindi inendorso sa mas mataas na awtoridad, maaari pang makapangbiktima ng ibang indibidwal.

 

 

”Dapat ine-endorse agad sa law enforcement authority, ang nangyayari ngayon sabi nga ni Sec., sine-settle na kasi sa level nila, siguro to maintain family harmony or whatever pero hindi ‘yun puwede. It shouldn’t be settled at their level,” ayon kay Magsaysay.

 

 

Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng centralized system para sa pagde-detect at pagrereport ng OSAEC cases gamit ang teknolohiya at specialized cybercrime mechanisms.

 

 

Inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng kinauukulang ahensya na unang bigyan ng proteksyon ang lahat ng mga kabataan sa gitna ng lahat ng kanilang programa at polisiya.

 

 

Nais ni Pangulong Marcos na usigin ng Philippine National Police at ng iba pang kaugnay na ahensiya ang mga salarin na sangkot sa “making, processing at distributing child sexual abuse materials” gamit ang buong bigat ng batas. (Daris Jose)

Other News
  • Pinost na birthday photos, tila nang-aakit: MARCO, gustong bumawi sa magandang project dahil naudlot ang pagsikat

    TILA nang-aakit si Marco Gumabao sa kanyang nakaraang 28th birthday noong August 14.     Pinost ng hunk ang photo niya sa Instagram na nasa swimming pool siya at kita ang kanyang matitigas na abs. Kinunan ang photo habang nasa set siya ng bago niyang pelikula na ‘Baby Boy, Baby Girl’ kunsaan leading lady niya […]

  • Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll

    MULING nahalal sa kanyang ikalawang termino si Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel habang ang kanyang anak na si Councilor-elect Nino Lacson-Noel ay pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.     Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Cong. Lacson-Noel sa lahat ng lokal na mga nanalo habang ipinahiwatig ang kanyang pagnanais na makipagtulungan sa bagong halal na […]

  • Grupo ng mga magsasaka, ikinalungkot ang umano’y minadaling plano na pagbabawas sa taripa ng bigas

    IKINALUNGKOT ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas.       Maaalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong […]