• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

47K OFWs apektado sa deployment ban sa Kuwait

AABOT  sa 47,099 overseas Filipino workers ang maaapektuhan ng suspensyon ng deployment sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

“Nakikita natin na last year for instance mga 47,000 ang OFW kasambahay ang nagtungo sa Kuwait. Sa nakikita natin around that same figure ang potentially sa loob ng isang taon ang maapektuhan,” saad ni Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac.

 

 

Ipinaliwanag ni Cacdac na ang suspensyon ay upang proteksyunan ang mga unang beses na “household service workers (HSWs)” na siyang pinaka-nanganganib sa pang-aabuso at nahihirapan na makapag-adjust sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ng opisyal na mananatili ang suspensyon hanggang hindi natitiyak na kasama sa employment contract ang proteksyon sa mga OFW at tanging mga ahensya na may maayos na track record lang ang makapag-ooperate.

 

 

Sa magaganap na negosasyon para sa bila­teral agreement sa Kuwaiti government, tiniyak ni Cacdac na isusulong nila ang mga reporma.

 

 

Kabilang ang mga ka­rampatang pagsasanay sa mga OFWs lalo na sa mga baguhan maging sa mga employers para maiwasan ang ‘di pagkakaunawaan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Avatar 2’ New Image Reveals Jake Sully and Neytiri’s Four Na’vi Children

    A new image from Avatar: The Way of Water reveals the best look yet at Jake Sully and Neytiri’s four Na’vi children in the long-awaited sequel.     Released in 2009, James Cameron’s Avatar, which still stands as the highest-grossing film of all time, introduced audiences to Sam Worthington’s Jake Sully, a paraplegic Marine who […]

  • GISING SA MGA ABUSADO

    “Mali ang ginawa, pero totoo ang mga sinabi niya.”   Ito ang karamihang reaksiyon sa halos sampung oras na hostage-taking sa isang mall sa Greenhills, San Juan nitong nakalipas na araw na kinasangkutan ng isang security guard.   Sa social media mas marami ang umayon sa kanyang panig, sumasalamin siya ngayon sa mayorya ng mahihirap […]

  • 6 arestado sa droga sa Valenzuela

    Bagsak sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong 1:40 ng Miyerkules ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng […]