4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas
- Published on December 11, 2023
- by @peoplesbalita
MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority ang pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip na P600 monthly rice allowance para sa mga benepisaryo ng 4Ps.
Tinuran ng DSWD na mas gugustuhin pa nito na sumunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng 4Ps Act “which calls for rice cash subsidy instead of distributing actual bags of rice.”
“Under sa ating 4Ps law, talagang nakalagay doon na ang stipend natin ay cash at ito po ay ibibili ng bigas ng ating mga beneficiaries,” ayon kay Lopez.
idinagdag pa nito na ang kasalukuyang sistema gamit ang cash card ng mga benepisaryo ay mas praktikal at makabubuti na mamahagi ng rice subsidy at mas kapaki-pakinabang para sa mga benepisaryo dahil maaari silang mamili ng bigas na gusto nilang bilhin.
“We want to give our beneficiaries iyong ika nga nila, na purchasing power. Choice po nila iyon,” dagdag na pahayag nito.
Maliban sa rice subsidy, ang mga miyembro ng 4Ps ay makatatangap ng monthly health at education cash grants.
Tiniyak naman ni Lopez sa publiko lalo na sa mga benepisaryo na handa ang DSWD na mamahagi ng sako ng bigas sa 4Ps beneficiaries sa halip na cash subsidy sa oras na aprubahan ng National Advisory Council (NAC) ang resolusyon na nananawagan ng aktuwal na rice distribution sa halip na cash grant.
Ang NAC ay binubuo ng mga miyembro mula sa iba’t ibang ahensiya ng gbyerno kabilang na ang DSWD, Departments of Health, Education, Agriculture, Labor and Employment, at Trade and Industry.
Samantala, mahigit naman sa 760,000 4Ps pamilya ang nauna nang na-assessed bilang non-poor base sa resulta ng Listahanan 3 na nananatiling eligible na makatanggap ng grants matapos ang re-assessment na isinagawa ng ahensiya.
“DSWD Secretary Rex Gatchalian ordered the re-assessment using the Social Welfare and Development Indicator (SWDI),” ayon kay Lopez.
Ang SWDI ay ginagamit ng departamento bilang case management tool para madetermina ang progreso ng pamilya, sa pamamagitan ng pagsukat sa kanilang “level of well-being” pagdating sa “economic sufficiency at social adequacy.”
Matapos ang reassessment gamit ang naturang tool, mahigit naman sa 760,000 4Ps members ang nananatiling nasa “survival at subsistence level” at patuloy na makatatanggap ang mga ito ng grants mula sa pamahalaan.
Tinatayang mahigit sa 330,000 re-assessed members ang nabibilang o tinatawag na non-poor at kasalukuyang nasa level ng “self-sufficiency.”
“They are now being processed for their official exit from the program through the “Pugay-Tagumpay” graduation ceremony,” ayon kay Lopez.
Ang reassessment aniya ay bahagi ng pagsisikap ng departamento na i-improve ang implementasyon ng programa na naglalayong tuldukan ang inter-generational poverty sa bansa. (Daris Jose)
Other News
-
Ads December 5, 2020
-
Galvez, ipinanukala ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa kalagitnaan ng Oktubre
IPINANUKALA ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 na magsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni Galvez na ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong […]
-
Ads September 8, 2023