5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.
Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.
Tatanggap din ang Pilipinas ng mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccine para sa unang dalawang quarter ng taon.
Nilinaw ni Galvez na ang bilang ng bakunang inilaan sa Pilipinas ay “indicative” at magdi-depende pa sa global supply nito.
Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca para ligtas na magamit na ang kanilang mga bakuna sa oras na may suplay na para sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
PBBM, iginawad ang Special Financial Assistance sa 12 sugatang sundalo na na-neutralisado ang DAWLAH ISLAMIYAH-MAUTE GROUP MILITANTS
PERSONAL na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng mga pinsala sa pakikipaglaban sa militanteng Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa pagbomba sa Mindanao State University-Marawi noong nakaraang buwan. Ang 12 sundalo ay kasalukuyang naka-confine sa Army General Hospital (AGH). Maliban […]
-
INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents
INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)
-
Tiniyak ni PBBM: China, hindi pipigilan ang mga Pinoy na mangisda sa West PH Sea
PUMAYAG ang bansang Tsina na mangisda ang mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea. Apektado na kasi ang ikinabubuhay ng mga mangingisdang Filipino dahil sa presensiya ng Chinese maritime forces sa pinagtatalunang lugar. Tinuran ng Chief Executive na bahagi ng kasunduan ng Manila at Beijing, hindi umano pipigilan ng China ang […]