• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 arestado sa shabu sa Caloocan

Limang katao kabilang ang tatlong bebot ang arestado matapos makuhanan ng illegal na droga ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, dakong 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila mga suspek na kinilalang si Mary Jane De Vera, 35, Jessabel Macaraig, 25, at Geeffren Estrada, 30, na nagtatransaksyon umano ng illegal na droga kaya’t nilapitan nila saka inaresto ang tatlo.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,680.00 ang halaga.

 

 

Bandang alas-10:30 naman ng gabi nang masita si Marilyn Raco, 35, at Ferdinand Jao, 53, driver ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa kahabaan ng Evangelista St., Brgy 144 sa pangunguna ni PCpl Raymond Ucag at PCpl Joseph Pastro, kasama ng mga tauhah ng 2nd MFC, RMFB NCRPO na may kaugnayan sa Simultaneous Enhance Managing Police Operation (SEMPO) dahil kapwa walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordinance no. 0862 s 2020.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang presensya ng mga pulis ay tumakbo ang mga ito at tinangkang tumakas subalit hinabol sila hanggang sa magawang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha kay Jao ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga habang nang ipalabas naman kay Raco ang lahat ng laman ng kanyang bulsa ay narekober din sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu na nasa P6,800 din ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Perez mapapadali na ang kayod sa San Miguel Beer

    KUNG sa Terrafirma dating kayod kalabaw si Christian Jaymar Perez, hindi na ngayon para sa San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup sa parating na Linggo, Abril 11.     Iilan lang ang nakakatuwang ng two-time defending scoring champion sa Dyip noon, ngayon ay loaded din ang sa mga kamador ang […]

  • League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

    Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila. – Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, […]

  • Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH

    NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.     Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na […]