• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 ARESTADO SA SHABU SA CALOOCAN

LIMANG hinihinalang drug personalities ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong 9:10 ng gabi, nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng Oplan Galugad na sa kahabaan ng Binata St. Brgy 144, Bagong Barrio nang maispatan nila ang isang grupo ng indibidwal na walang suot na face mask.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng grupo ang mga pulis ay mabilis nagpulasan ang mga ito sa magkakahiwalay na direksyon na naging dahilan upang habulin sila ng mga parak hanggang sa makorner si Samboy Policarpio, 30, Lawence Mares, 31, at Jimmy Bautista, 49.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang sampung plastic sachets na naglalaman ng nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P27,200.00 ang halaga.

 

 

Bandang 5 naman ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ng SS1 ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong transkasyon ng illegal na droga sa Guido 1 Brgy. 33 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Paul Romeo Llacer, 25, at Christopher Manalo, 40, habang nagawang makatakas ang isa nilang kasama.

 

 

Nang kapkapan, narekober kay Manalo ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga habang nakuha naman kay LLacer ang isa ding plastic sachet na naglalaman ng nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000,00. (Richard Mesa)

Other News
  • LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

    NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.     Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.     Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]

  • Thunder, ramdam na ang Western Conference semifinals sweep matapos talunin ang Grizzlies

    Pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City Thunder sa isang 117-115 na panalo laban sa Memphis Grizzlies noong Sabado, Abril 26 kung saan ramdam na ng koponan ang 4-0 bentahe sa kanilang Western Conference first-round playoffs series. Nagdagdag si Jalen Williams ng 23 points para sa Thunder. Ang Oklahoma City ang kauna-unahang koponan na nakarating […]

  • Detention ng foreign nationals na magte-trespass sa WPS, inconsistent sa UNCLOS -DFA

    ITINUTURING ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ‘inconsistent’ sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang regulasyon ng Tsina na nagbibigay kapangyarihan sa coast guard nito (Tsina) para i- detain ang sinumang foreign nationals na magte-trespass sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang panayam, tinanong kasi si Manalo kung ano […]