5 BARANGAY SA MAYNILA MINOMONITOR SA TUMAAS NA KASO NG COVID-19
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
LIMANG barangay sa lungsod ng Maynila ang mahigpit na minomonitor ngayon dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar.
Ito ang kinumpirma ngayon ni MPD District Director PBGen Leo Francisco sa ginanap na kauna-unahang media forum ng MPD-Press Corps.
Sinabi ni Francisco na kasalukuyan ay bina-validate ang barangays 351, 675, 699, 701, at 725.
Ayon kay Francisco, sa Barangay 351 ay mayroon umanong binabantayan na 12 kaso; sampu naman sa Barangay 675; sa Barangay 699 ay 12; labing-apat naman sa Barangay 71; at 15 sa Barangay 725.
Ayon kay Francisco, mayroon ng koordinasyon ngayon sa Manila Health Department at City Hall ng Maynila at anumang oras ay maaari nang inanunsiyo kung isasailalim sa lockdown ang mga nasabing barangay.
Sabi ni Francisco, limang araw ang paglalagay sa lockdown sa mga nabanggit na barangay.
Tiniyak naman aniya ng alkalde na may sapat na suplay ng pagkain sa loob ng limang araw ang mga residente na kabilang sa isasailalim sa lockdown. (GENE ADSUARA)
-
Dahil na-enjoy at na-appreciate: CARLA, ilang beses naranasan kaya mas pabor sa lock-in taping
NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ilang beses nang naranasan ni Carla Abella ang lock-in taping, at mas pabor siya sa ganung situwasyon. “Opo, pero kung tutuusin po hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy. “That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in […]
-
Filipinas makakaharap ang Vietnam para makakuha ng puwesto sa 2022 AFF Women’s Championship
MAGHAHARAP ang Filipinas womens football team at Vietnam para makakuha ng puwesto sa finals ng 2022 AFF Women’s Championship. Nanguna kasi sa Group B ang Vietnam ng tambakan ang Myanmar 4-0 nitong Miyerkules habang ang Filipinas ay nasa Group A na nakuha ang panalo kontra Australia 1-0 sa pagsisimula ng torneo. […]
-
Valenzuela binuksan na ang “Balai Banyuhay” o drug treatment at rehabilitation facility
PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang kanilang kauna-unahang drug treatment at rehabilitation facility na tinawag na “Balai Banyuhay” sa Barangay Punturin, Huwebes ng umaga. Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ceremonial launching ng center para sa buong operasyon nito para sa mga residente at […]