5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM
- Published on July 25, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang kababayan.
Kasong Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan, kapwa Chinese national at pansamantalang nanunuluyan sa Bayport West, panulukan ng Mabini St., at P. Gil St., Malate, Maynila.
Arestado rin ang kanilang kasabwat na sina Kenneth Querubin, 39, residente sa 1018-C Concepcion Aguila, Maynila at si Noel Fame Dioneda ng 346 Paoay Road, Marian Park St., Martin De Forest, Parañaque City.
Ayon sa MPD-Station 5, bandang alas-10:00 Huwebes ng gabi nang maaresto ang mga suspek makaraang makatanggap ng reklamo mula sa isa ring Chinese national na si Jeff Wang na kasamahan ng mga biktima na sina Yang Han, Xu Wen Yang at Cui Shao Kun, kapwa nanunuluyan sa Malate,Maynila.
Sa reklamo ni Wang ,kapwa sila nasa Remedios Street, Malate, Maynila ng mga biktima nang dukutin ng mga suspek ang kanyang mga kaibigan at isinakay sa isang van .
Humirit ng ransom ang mga suspek na halagang P3 milyon kapalit ng pagpapalaya sa mga biktima.
Matapos matanggap ang reklamo, agad na nagpadala ng tauhan si PLt/Col John Guiagui ng tauhan para sa entrapment operation kasama ang mga operatiba ng Tactical Motorcycle Rider Unit .
Sa panulukan ng Mabini St., at P. Gil St., Malate naispatan ni Wang at mga operatiba ang mga suspek kaya agad silang pumosisyon at inaresto ang mga ito.
Nasagip naman ang mga biktima sa loob ng Toyota Hi Ace Commuter Deluxe na may plakang NDM 8999.
Samantala, ibinunyag din ng mga biktima na sila ay ikinulong sa Bayport, Parañaque ng ilang araw kung saan sila sinasaktan at hindi pinapakain.
Sa nasabing operasyon,nakuha sa mga suspek ang isang baril at mga bala. (Gene Adsuara)
-
Empleyado ng Manila City Hall, huli sa panloloko
SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na dalaga at empleyado ng City Treasurers Office ng Manila City Hall dahil sa panloloko at pagnanakaw ng malaking halaga mula sa mga stallholders ng Paco Market. Hawak ngayon ni P/Major Rosalino Ibay Jr., Hepe bg MPD-Special Mayors Reaction Team ang suspek na si Sherylet Lising, dalaga, Admin […]
-
‘Avatar: The Way of Water’, ‘Doctor Strange 2’, and ‘Lightyear’, Soon to Hit Theaters!
Walt Disney Studio provided exciting details during the recent CinemaCon in Las Vegas for its 2022 theatrical release slate from Pixar Animation Studios, Marvel Studios, and 20th Century Studios, including a first look at the “Avatar” sequel! The title of the “Avatar” sequel, which will open in theaters December, is “Avatar: The […]
-
Kasama ang 11 entertainment personalities: HEART, hinirang bilang isa sa Asia’s Most Influential ng lifestyle magazine
HINIRANG bilang isa sa Asia’s Most Influential ng Tatler Asia Magazine ang global fashion icon na si Heart Evangelista. Na-unveil ang list sa naganap na Tatler Ball 2023 sa Shangri-La The Fort noong nakaraang November 20. Kasama ni Heart sa list ay sina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Dolly De Leon, Erwan […]