5 holdaper na tirador ng gasolinahan, timbog
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
KULONG ang limang umano’y miyembro ng robbery hold-up group na tirador ng mga gasolinahan matapos matimbog sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Navotas City at Bulacan.
Sa isinagawang press conference sa Valenzuela City Police Station sa pangunguna nina Mayor Wes Gatchalian, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., at Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na unang hinoldap ng mga suspek ang Nation Gasoline Corporation sa Rizal Avenue Ext., Brgy. 48, Caloocan City noong September 22, 2024 dakong alas-2:40 ng madaling araw kung saan nakatangay ang grupo ng P10,000 cash at isang cellphone.
Sunod umanong hinoldap ng mga suspek ang Shell Gas Station sa kahabaan ng C3 Dalagang Bukid, Kaunlaran Village, Brgy. 14, Caloocan City noong September 25, alas-3:55 ng madaling araw kung saan nakatangay ang mga ito ng P2,000.
Nitong September 29, 2024 nang holdapin naman ng mga suspek ang Phoenix Gas Station sa M. H. Del Pilar, Brgy. Malanday, Valenzuela City bandang alas-3:10 ng madaling araw.
Natangay ng mga suspek ang P10,000 cash sa cashier booth, cellphone ng biktima na si alyas Robert, fossil wristwatch at P2000 cash sa biktimang si alyas Kenneth.
Kaagad namang bumuo ng team si Col. Cayaban at sa kanilang isinagawang follow-up operation ay naaresto ang apat na suspek sa Navotas City habang sa Bulacan naman nakorner ang isa pang suspek.
Nakumpiska sa mga suspek na pawang residente ng Lungsod ng Navotas ang ginamit na gateaway vehicle na isang gray Suzuki APV van, isang caliber .38 revolver na may bala at isang patalim.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery with Violence and Intimidation Againts Persons under Art. 294 of the RPC habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 at BP 6 ang kakaharapin pa ng isa sa kanila.
Pinuri naman ni Mayor Gatchalian si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang mahusay na trabaho na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA
UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw. Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital […]
-
XIAN, natuwa na nabigyan ng chance na maging babae: GLAIZA, natakot sa role sa kanyang first romcom
INIHAHANDA na ng GMA Network ang isa pang malaking project, pagkatapos ng Voltes V: Legacy, ang Sang’gre na for sure ay muling ididirek ni Mark Reyes na nagdirek ng epic series na Encantadia. Kaya dalawa sa gumanap na Sang’gre sa Encantadia, ang natanong kung sino ang type nilang gumanap sa kanilang ginampanang role, […]
-
Provincial bus operators maghahain ng petisyon para sa fare increase
MAGHAHAIN ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang […]