• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook at Darwin Rivera, 27, pawang residente ng lungsod.

 

 

Sa report ni police investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, unang nakatanggap ang mga tauhan ng SS7 ng impormasyon mula sa isang concerned citizens na may nagaganap umanong pot-session sa bahay ni Bungadelyo sa 72 Doña Elena Street, Brgy., Punturin.

 

 

Agad nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis sa pangunguna ni PSMS Cyril Enhaynes para i-validate ang nasabing ulat kung saan pagdating ng mga ito sa lugar bandang alas-11:00 ng umaga ay naaktuhan nila ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing bahay.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mabulaga at arestuhin sila nina PSMS Enhaynes, PSSg Rolan Tobello, PSSg Gerry Dayao at PSSg Rogie Conge.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets, isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang 1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800 at mga drug paraphernalias.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • P16-B fund para sa ‘Barangay Development Program’ kinuwestyon ng ilang mambabatas

    Kumunot ang noo ng ilang mambabatas dahil sa pondong inilaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) na aabot sa P16 billion sa ilalim ng 2021 national budget.   Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, posible raw na hindi gamitin sa tama ang multibillion-peso budget para sa barangay development program. […]

  • Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega

    MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.   Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.   Malaki aniya ang […]

  • Pinayuhan na ‘wag basta-basta magpapadikta: PIA to MICHELLE: ‘Bring the Philippines with you yes, but still be YOU’

    LAST Saturday, May 13, itinanghal na Miss Universe Philippines 2023 si Michelle Marquez Dee, na magiging pambato natin sa Miss Universe sa gaganapin sa El Salvador bago matapos ang taon.     At ilang araw, pagkatapos nang pinag-usapan na pagkasungkit ng korona, nag-post si Michelle ng winning moment photos, na kung saan in-explain kung bakit […]