• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P16-B fund para sa ‘Barangay Development Program’ kinuwestyon ng ilang mambabatas

Kumunot ang noo ng ilang mambabatas dahil sa pondong inilaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflct (NTF-ELCAC) na aabot sa P16 billion sa ilalim ng 2021 national budget.

 

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, posible raw na hindi gamitin sa tama ang multibillion-peso budget para sa barangay development program.

 

Sa ilalim kasi ng “Support to the Barangay Development Program” ang anomang barangay na magiging “NPA Free” ay gagawaran ng P20 milyong reward.

 

Maituturing din aniya na “porl barrel” ang katangian ng nasabing pondo dahil hindi ito naka-itemized.

 

Dagdag pa ni Elago dahil umano simula na ng national elections sa 2021 ay maaaring ituring na “election war chest” ang proyektong ito. Tila sinasamantala raw kasi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang coronavirus pandemic para hawakan sa leeg ang mga barangay upang magkaroon ng dagdag pondo.

 

Paliwanag ni DILG Sec. Eduardo Año, hindi hawak ng DILG ang P16 billion pesos na pondo bagkus ay nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng local government support fund (LGSF).

 

Malayo rin aniya ang koneksyon nito sa eleksyon dahil 822 barangays lamang ang kasama sa proyekto kumpara sa halos 42,000 na mga barangay sa buong bansa.

 

“Itong mga barangay na ito ay hindi mga vote reached barangays, ito ay mga isolated na barangays. Malayo itong ikonekta sa eleksyon at ito ay para talaga mai-angat ang iba nating kababayan na naghihirap sa loob ng matagal na panahon,” ani Año.

 

“Nagsimula rin ito sa barangay, sa local government units (LGUs), kasama ang iba’t ibang ahensya. Mayroon tayong tinatawag na community support program kung saan nagpupunta yung mga LGUs mula sa iba’t ibang barangay,”

 

“Dito nalalaman ‘yung mga barangay na nangangailangan ng tulong, at kung makikita rin natin dito ‘yung pinaka-maraming presensya ng New People’s Army (NPA) kung saan nae-exploit ‘yung mga isyus,” saad pa ng kalihim.

Other News
  • BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’

    MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives.      Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]

  • Organizer ng Beijing Winter Olympics hindi na magbebenta ng tickets

    TULUYAN ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.     Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.     Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng […]

  • Tatlong criminal case for cyber libel: BEA, nagsampa ng kaso laban kina CRISTY at OGIE

    NAGSAMPA ng kaso ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama ang mga co-host sa kani-kanilang online programs.     Ayon sa FB post ni Nelson Canlas’ naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea sa […]