• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng limang indibidwal matapos maaktuhang sumisinghot shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa M. Gregorio St., Bagong Filipino Industrial Compuond, Brgy., Lingunan.

 

 

Kaagad namang inatasan ni SS6 Commander P/Cpt. Reymund Andujar ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga pulis sa loob ng isang bahay na walang numero sina alyas ‘Christian’, 33, welder, “Fernando”, 24, massage therapist, “Avelino”, 55, warehouse staff, “Mart”, 26, helper at “Joseph”, 37, na abala umano sa pagsinghot ng shabu, dakong alas-10:15 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.16 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,888 at ilang drug paraphernalias.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Duterte: Pagkain, tubig ang pinaka-kailangan ngayon ng Cagayan

    Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Cagayan Valley na sinalanta ng bagyong “Ulysses.”   Nang mag-aerial inspection si Duterte sa Tuguegarao City, na sinundan ng meeting kasama ang kanyang  Cabinet officials.   “Ang problem talaga sa sunog o baha is water, clean water; potable […]

  • SISIHAN DITO SISIHAN DOON

    Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.     Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.     […]

  • Pinayuhan na mahalin muna ang kanyang sarili: CLAUDINE, wala pa rin lovelife ayon sa best friend na si JANELLE

    HINDI sinasadyang nabulabog ni Allen Dizon ang sementeryo nitong November 1.     Pumunta kasi siya sa sementeryo sa kanila sa Pampanga nitong Araw ng Mga Patay para magsindi ng kandila at ilawan ang puntod ng yumao niyang ama.     Pero nagulat siya dahil maraming tao ang lumapit sa kanya para magpapiktyur.     […]