• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL

INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at  Robbery Extortion.

 

 

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela Pena Y Bulura.

 

 

Ayon kay Distor, nag-ugat ang nasabing operasyon dahil sa reklamo ng isang complainant na nagmamay-ari ng isang lupa  na sinasabing pag-aari din ng mga suspek. Nanghihingi rin ng pera ang mga ito kapalit na pagsasauli sa kanya ang nasabing lupa.

 

 

Dahil dito, nagreklamo ang complainant sa NBI at nitong February 16, 202 isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng NBI-Anti Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD)  sa isang mall  sa Quezon City kung saan magkikita ang complainant at mga suspek at  kunwang ibibigay nito ang hinihinging pera na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ANYARE sa JEEP? ANGKAS may PAG-ASA BANG PAYAGAN?

    Kamakailan ay naimbitahan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Quezon City anti-corruption committee chairman, Jano Orate, upang pangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga jeepney drivers na nakatira sa UP Campus sa QC.   Kasama si Kapitana Zeny Lectura. Ang mga beneficiaries ay ilan sa mga jeepney drivers na napilitan nang mamalimos […]

  • PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA

    PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.   Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos   Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical […]

  • CANNIBAL LOVE STORY “BONES AND ALL” GETS R-16 RATING, TO BE SHOWN WITH NO CUTS

    AFTER playing to sold-out capacity crowds during the QCinema Film Festival, the controversial film “Bones and All” — a story of tender love and cannibalism — now showingnationwi with a favorable R-16 rating from the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB). [Watch the featurette “Bones and All: A Look Inside” at https://youtu.be/PUJ9kccG6BA] The MTRCB […]