• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 kulong sa P115K shabu sa Valenzuela

Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, Mary Ann Magno alyas  “Tadel”, 46, Erick Leyco alyas “Putol”, 32, Bobby Soccoro, 29, at Baban Alvarado, 50.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong 7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega sa Area 4 Dumpsite Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

Nagawang makabili ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Angeles at nang tanggapin nito ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga pulis.

 

Habang naaktuhan naman ng mga operatiba sa loob ng isang walang numerong bahay ang iba pang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 17 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P115,600.00 ang halaga, marked money, dalawang cellphone, digital weighing scale, P5,000 cash at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor

    LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon.   Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may  6-2 […]

  • COMELEC pinaparehistro ang mga nagsasagawa ng political survey

    INATASAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga organisasyon o indibidwal na nagsasagawa ng surveys na may kaugnayan sa halalan na magrehistro sa kanila bago maglabas ng resulta. Nakasaad sa Resolution 1117 na tanging ang pre-registered entities lamang ang otorisadong magsagawa at magpakalat ng mga election surveys. Bibigyan aniya sila ng 15 na magparehistro ang mga […]

  • Makakasama muli sina Vic, Sylvia at Martin: ICE, kinakabahan pa rin kapag may big concert

    MADAMDAMIN ang last taping day ni Dennis Trillo para sa hit serye na Maria Clara At Ibarra.   Gumanap siya sa serye bilang Crisostomo Ibarra sa unang bahagi ng serye, kung saan inilahad ang kuwento ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nang tumawid ito sa kuwento ng ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, agad […]